WEBINAR PARA SA BATANG PINOY, PNG TECHNICAL RULES

William Ramirez

TULOY ang pagpapataas ng kaalaman sa hanay ng mga opisyal at coach na bahagi ng Batang Pinoy (BP) at Philippine National Games (PNG) – dalawang programa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa grassroots level – sa kabila ng pandemya.

Sa layuning mapanatili ang kaalaman at kahandaan sa posibilidad na pagbabago sa mga panuntunan sa international scene, isasagawa ng PSC ang apat na bahagi ng webinar simula sa Oktubre 5.

Inaasahang sasabak sa programa ang mga kinatawan ng local government units (LGUs) at Department of Education (DepEd). Hangarin ng webinar na mapataas ang antas ng kaalaman ng mga coach, technical officials at organizers sa mga bagong patakaran sa international sports technical rules.

“I believe that a joint effort between the LGUs and the PSC will ensure that young aspiring athletes are given enough time and resources to grow and reach their full potential,” pahayag ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez.

Sa pakikipag-ugnayan ng National Sports Associations (NSAs) at International Federation-accredited Technical officials ng 11 iba’t ibang sports, sentro ng talakayan ang mga isyu sa pagbabago sa standard rules ng mga sports na nilalaro sa Batang Pinoy at PNG.

Bawat LGU ay may tatlong slots bawat sports sa naturang webinar.

Ang mga sports na bahagi ng programa ay Taekwondo, Table Tennis, Chess, Athletics, Weightlifting, Archery, Karatedo, Cycling, Swimming, Muaythai, at Arnis. Ang North Luzon Cluster ang unang grupo na sasalang sa pagsasanay. EDWIN ROLLON 

6 thoughts on “WEBINAR PARA SA BATANG PINOY, PNG TECHNICAL RULES”

  1. First of all, thank you for your post. baccarat online Your posts are neatly organized with the information I want, so there are plenty of resources to reference. I bookmark this site and will find your posts frequently in the future. Thanks again ^^

  2. 979812 540705bless you with regard to the particular weblog post ive really been looking with regard to this kind of advice on the net for sum time these days hence with thanks 629402

Comments are closed.