USO rin lang ang kasalan ngayong 2021, nakiuso na rin si Juliana Palermo at ang napangasawa niyang si Joel Crabtree, pero sa halip na magpabongga, praktikal at konti lang ang kanilang ginastos. Basta ang mahalaga, nakasal sila ng maayos at mahal nila ang isa’t isa.
Nagsagawa sila ng intimate wedding ceremony sa Hotel Riu Dunamar sa Costa Mujeres Beach, Cancun, Mexico noong August 26, 2021.
Sa halip kumuha ng mamahaling designer, nag-shop online si Juliana para sa kanyang wedding gown, at nakakita naman siya ng perfect dress. Simple lang daw ang binili niya dahil simple lang naman ang kasal. Isa pa, civil wedding lang naman ito, kaya hindi kailangang “to the nines” ang soot niya. Dapat, mas maganda siya kesa sa wedding gown. May point naman si Juliana.
Marami raw siyang pinagpilian. May worth P50K, may P75K, pero sa huli, hindi ang presyo ang mahalaga sa kanya, kundi ang okasyong paggagamitan niya ng damit, kaya pinili niya ang gown na ang presyo ay $100 o wala pang P5,000 (P4,888 to be exact kung ipapalit sa Philippine money). Pero may nagustuhan daw siyang worth $1,100 na bibilhin niya kung ikakasal siya sa simbahan.
Online din daw niya binili ang belo at iba pang accessories na nagkakahalaga
naman ng USD60 o halos PHP3,000, pero ang sandals niya ay metallic heels na binili niya sa Jessica Simpson, na nagkakahalaga ng USD80 o halos PHP4000. Lahat-lahat, abot sa USD240 o halos PHP12000 ang kanyang bridal look.
Hindi raw sila nahirapan sa budgeting at preparation dahil kinuha nila ang wedding package ng hotel. Sila na ang nag-ayos ng garden dahil garden wedding nga ang usapan.
Hindi sinabi ni Juliana kung magkano ang kinuha nilang wedding package, pero 20 lamang ang kanilang guests, kaya malamang, yung pinakamura rin na $1,500 o hindi lalayo sa P75,000. Mabilisan daw kasi ang paghahanda nila sa kasal kaya hindi nakarating ang ibang miyembro ng pamilya.
Ani Juliana, hindi importante ang engrandeng kasal lalo pa ngayong panahon ng pandemya. May mabuting i-save na lang ang pera para sa mga unexpected na gastos sa hinaharap. Isa pa, kung gagastos sila ng malaki, baka
matulad pa sila sa iba na binatikos dahil lang nagpakasal. Sa simple wedding niya, maliit na nga ang gastos, bawas pressure pa.
Aniya, ang kasal ay para sa dalawang taong nagmamahalan.
Kung bongga ang kasal, maghahanda ka hindi para sa ikakasal kundi para sa mga bisita. At sigurado niya, may maipipintas at maipipintas sa preparasyon. — KAYE NEBRE MARTIN
345834 579075Thank you for the sensible critique. Me and my neighbor were just preparing to do some research on this. We got a grab a book from our location library but I feel I learned far more clear from this post. Im extremely glad to see such excellent information being shared freely out there. 797546
689215 459312Aw, i thought this was an very good post. In notion I would like to invest writing in this way moreover – taking time and actual effort to manufacture a really good article but exactly what do I say I procrastinate alot and no means apparently go completed. 504834