INIREKOMENDA ni dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin sa gobyerno na magsagawa ng COVID-19 vaccination tuwing weekend.
Ito ay para ma-accommodate ang mga taong nagtatrabaho tuwing weekdays o Lunes hanggang Biyernes.
Paliwanag ni Garin, mahalaga na magkaroon na rin ng “weekend inoculation” upang makapagtrabaho at patuloy pa ring kumita ang mga tao.
Tinukoy ni Garin na marami sa A4 category ang gustong magpabakuna ngunit hindi agad magawa dahil sa trabaho at kung mag-leave o absent man ay otomatiko itong kaltas o walang sweldo.
“Kung aabsent sila, makakaltasan pa sila sa suweldo, bagay na hindi dapat mangyari dahil nakapahalaga na buo ang maiuuwi nilang kita sa pamilya,” ani Garin.
Makakatulong din sa mga worker ang weekend vaccination upang mabigyan sila ng panahon na makapagpahinga pagkatapos ng mabakunahan.
Inirekomenda ng mambabatas na gamitin ng Department of Health (DOH) ang mga volunteer para magsagawa ng weekend jabs para makapagpahinga rin ang regular vaccinators mula sa kanilang weekday duties. CONDE BATAC
Comments are closed.