MAY PLANO si Weightlifting Association of the Philippines (WAP) Vice President Elbert Atilano na gawin ang Asian Youth and Junior Weightlifting sa Filipinas sa mga darating na panahon para makatuklas ng magagaling tulad ni Brazil Olympics silver medalist at Tokyo Olympic aspirant Hidilyn Diaz.
“I’m contemplating the idea hosting the prestigious tournament in the near future ostensibly to tap young promising talents and encourage the youth indulge actively in weightlifting, as well as promote the country’s places of interest,” sabi ni Atilano na isa ring lifter at kilalang prime mover sa weightlifting.
Bukod sa nasabing torneo ay balak din ni Atilano na magkaroon weightlifting tournament sa iba’t ibang bahagi ng bansa, bukod sa PRISAA National Athletics na kanyang pinamahalaan bilang national executive director.
Ang Zamboanga ang tinaguriang weightlifting capital ng Filipinas at karamihan sa sumabak sa SEA Games at Olympics ay galing sa nasabing lugar.
“Weightlifting is getting popular. This is the main reason I want to hold tournaments in various parts of the country to steer awareness and induce the youth play weightlifting,” pahayag ni Atilano.
“Maraming kabataan ang mahilig sa weightlifting sa kanayunan. Ang kailangan marami tayong tournaments at sa ganoon marami tayong matuklasang lifters na may kakayahang manalo sa labas,” paliwanag ni Atilano.
Ang weightlifting ay kasama sa sports na lalaruin sa 2021 Southeast Asian Games sa Nobyembre sa Vietnam. CLYDE MARIANO
Comments are closed.