WELCOME 2025, TAON NG MGA AHAS

Bulate man o anaconda, snake family pa rin yan, at ang mga isinilang sa taong ito — Snake (Self-Year), ay syempre naman, may kaakibat na swerte sa 2025 lalo na sa career growth at self-improvement. Pero paalala lang, balansehin  ang ambisyon at introspection para hindi sumobra ang tiwala sa sarili.

January 29 ang simula ng Year of the Snake 2025 — meaning, January 28, naghahanda na ang mga Chinese sa Chinese New Year. Parang buong buhay ko yata, kahit noong nasa probinsya pa kami, nagse-celebrate kami ng Chinese New Year, dahil mayroon daw kaming Chinese descent. Hindi bonggang celebration — tikoy lang at fruits — but ce­lebration nevertheless.

Basta, starting January 29, may pangako ng talino, adaptability, at pagbabago. Bihirang magkaroon ng Wood Snake year na nangyayari lamang every 60 years, at pinaniniwalaang may dala itong kakaibang enerhiya sa bawat Chinese zodiac sign, kung saan ang ibang signs ay mas maswerte, at ang iba naman ay maswerte lang. Unfortunately, snake and pig do not see eye-to-eye, at nagkataong pig ako kaya — bahala na si batman.

Kung isinilang ka sa Year of the Snake, love is in the air. Lahat din ng problema ngayong taon ay kaya mong resolbahan, kahit pa financial problem.

Ang luckiest zodiac signs daw sa 2025 ay Sagittarius, Leo, Pisces, at Aries, dahil sa favorable planetary alignments na may dalang swerte.

Biniyayaan ng 2025 ang mga manga­ngahas na kumawala sa kanilang mga sarili at hindi matatakot na makipagsapalaran.

Kahit may ilang critical issues, ang 2025 ay napakaganda at napakamapagpalang taon. May mga magaganap na pagbabago kahit sa Pilipinas at sa ibang bansa, ngunit makabubuti ito.

2025 brings a sense of calm matapos ang maraming taon ng ma­raming problema. Ngunit syempre naman, hindi laging kalma ang alon sa dagat. Sa unang anim na buwan, may growth and resourcefulness. Sa matitirang anim na buwan naman ay may ilang pagsubok. Parang sa “Story of Joseph the Beloved.” Pitong taon ng kasaganaan at pitong taon ng tagtuyot.

Kayo na ang bahalang magsamantala sa mga pagkakataon.

JAYZL NEBRE