KAMAKAILAN, opisyal na nagtayo si Martin del Rosario ng negosyo – ang The Armory. Matatagpuan sa kahabaan ng Congressional Avenue Extension sa Quezon City, tamang-tama ang The Armory para sa mga nabubwisit na sa traffic.
Sa labas pa lamang, makikita ang barracks-themed facade. Simple lang pero rugged ang interiors. Walang mamahaling muebles o kandelabra. Kumbinasyon ito ng kahoy, semento at bakal kaya parang nasa bahay lang. Mayroon itong dalawang areas na pwede kayong mag-enjoy. Kaya kung gusto lamang ninyong mag-chill o kaya naman ay tumambay kasama ang barkada, doon kayo sa The Bunker na nasa first floor. Kung party naman ang hanap ninyo, may DJ sa second floor na siya namang The Armory proper, at iyon ang lugar dito na laging maraming tao.
“I’ve always been into business. ‘Di din kasi forever and pag-aartista. Kailangan may fallback or sideline man lang” ani Del Rosario.
So, fall back pala ni Martin ang The Armory, at lahat daw ay welcome sa lugar na ito.
Kung medyo sinuswerte kayo, makakainuman pa ninyo si Martin at ang mga kaibigan niya o kaya naman, siya mismo ang gagawa ng cocktails ninyo! Talagang pinaghandaan niya ang The Armory dahil kumuha pa siya ng bartending course para wala tayong masabi.
Ganyan siya ka-hands on sa kanyang business. Siya mismo ang nagma-market nito, kumukuha ng sponsors, personal na kumukuha ng permits sa city hall, nagmo-monitor sa social media, at pati sa pamimili ng alak, siya pa rin.
Marami rin siyang plano para sa The Armory, at kung hindi nga lamang nagkaroon ng pandemya, mas marami pa siyang maio-offer.– NV