WELL DONE, CALOY, GOOD LUCK, EJ!

MAIIYAK ka talaga sa tuwa sa paghablot ni Carlos Yulo ng unang ginto ng Pilipinas sa 2024 Paris Olympics.

Nakalikom si Yulo ng 15.000 points sa floor exercise sa men’s artistic gymnastics, sapat para maagaw ang trono kay Artem Dolgopyat ng Israel.

Si Yulo ang ikalawang Pinoy na nagwagi ng ginto sa Olympics, matapos ni weightlifting ace Hidilyn Diaz sa Tokyo noong 2021.

Bukod kay Dolgopyat na nagkasya sa silver na may 14.966 points, ang isa pang mahigpit na nakalaban ni Yulo ay si top qualifier Jake Jarman ng Great Britain ay nakuha ang  bronze sa kanyang 14.933 points.

Salamat, Caloy, sa ibinigay mong karangalan sa samba­yanang Pilipino.

Aabangan naman bukas ang pagsabak ni EJ Obiena sa men’s pole vault finals.

Si Obiena ay isa sa mga atletang Pinoy na inaasahang  magbibigay ng medalya sa Pilipinas.

Suportahan natin siya at ang iba pang Pinoy na patuloy na lumalaban sa Paris Olympics upang madagdagan ang kanilang motibasyon at inspirasyon.

Salamat din sa iba pang mga Pinoy na matapang na nakihamok sa Paris ngunit maagang natapos ang kampanya.