“WHAT a life”. Ito ang karaniwang lumalabas sa ating bibig kapag nasa bakasyon o napupunta tayo sa magandang lugar. Nagkakasingkahulugan na “Ang Saya ng Buhay!”– ito ang tagline ng bagong bukas na hotel sa Quezon, ang Bamboo Boutique Hotel.
Ipinaubaya ni Mr. Noly Yu ang pamamahala sa kanyang anak na si Ms. Danica Yu bilang manager ng hotel. Wala sa plano ng pamilya Yu ang magtayo ng hotel noong una, pero nung makita nila ang pangangailangan ng matutuluyan ang mga biyahero sa Quezon at base na rin sa naranasan nila minsan. Naisip ng mga Yu na magtayo ng budget hotel para sa mga dumadaan ng Quezon papuntang Marinduque. Dahil na rin malapit sa ferry terminal ang lokasyon nito kaya sakto sa mga biyaherong nais munang magpahinga bago sumakay ng barko o kaya naman bago bumalik sa Maynila.
Nagbukas ang Bamboo Boutique Hotel nito lamang August 6, 2019. Ngayon ay labing-isang room ang available para sa mga bisita at nasa plano pa ang pagdagdag ng ibang rooms at amenities sa hotel. Kumpleto ang mga basic na kailangan sa isang room, may cable TV, malinis na bathroom, air con, wifi, at pati toiletries ay nakahanda na sa bawat room. Anim sa rooms ng Bamboo Boutique Hotel ay may double bed samantalang ang lima pang rooms ay may twin beds.
Ika nga ng pamilya Yu, ang kanilang hotel ay homey ang pakiramdam. Simple at elegante pa rin ang dating ng bawat kuwarto. Maaliwalas din ang design ng mga kuwarto kaya makapapagpahinga kang tunay. Bukod sa hotel, mayroon ding convenient store sa ground floor na mura lang ang bilihin, lugawan na 24 hours open, laundry shop, at bakery. Hindi lamang ang hotel rooms ang pinagmamalaki ng Bamboo Boutique Hotel maging na rin ang kanilang mababait at maasikasong staffs.
At bilang bagong bukas na hotel, patuloy pa rin nilang pinag-aaralan kung ano pa ang maaaring kulang sa kanilang hotel. Tulong-tulong ang bawat miyembro ng pamilya Yu sa ikakaganda pa ng Bamboo Boutique Hotel. Paniguradong papatok ito sa mga millennial travellers bukod sa relaxing ang ambiance ng kuwarto ay dahil din swak sa budget at instagrammable ang bawat kuwarto rito.
At kasabay ng pagyabong ng kanilang tanim na mga bamboo sa harap ng hotel ay ang patuloy na paglago at pagtatag ng Bamboo Boutique Hotel. Mananatiling matatag ang hotel tulad ng tibay ng bamboo sa mga darating pang panahon.
Matatagpuan ang Bamboo Boutique Hotel sa Dalahican Rd, Lucena City. Maaaring tumawag sa (042) 785-7696 at hanapin si Kristel o si JC para sa booking.
Comments are closed.