What teens post on social media

Social media ang susi ng kabataan upang ipahayag kung ano ang kanilang nararamdaman araw-araw. Isini-share nila ang kanilang ga tagumpay at mga ups and downs bilang teenager. Maniwala kayo, hindi sila mabubuhay ng isang araw na walang cellphone. Buong buhay nila, talagang umaasa sa social media.

Kung may cellphone ka, hindi mo kailangan ang friends. Tutal, lahat naman, naisi-share mo sa mga social platforms tulad ng Facebook, Instagram at Twitter. Sinasabi nila dito ang kanilang accomplishments, problema sa pamilya, religious or political beliefs, pati lovelife.

Minsan nga kahit hindi na teenager, mahilig pa rin sa sharing, lalo na kung mahilig mag-selfie. Wala silang pakialam kung medyo nakakahiya – so what! Pati nga suicidal tendencies, ipino-post nila.

I fairness, maraming factors to consider kapag nagpo-post sila sa social media. Kasama dito ang mga calculation kung paano nila gustong ipakilala ang kanilang mga sarili sa mga mapipili nilang platforms pati na rin ang kanilang judgments sa kung anuman ang mga mangyayatri kapag nag-post sila ng kung anuman.

May ilang kabataang iniiwasang mag-share ng lahat ng impormasyon sa takot na mapahiya, pero mas marami ang malalakas ang loob. Yung iba nga, kahit nude potos nila, inilalabas nila ng kusa para mapag-usapan at magkaroon ng mas maraming followers.

Yung iba namang medyo conservative, they do not share at all sa social media sa takot na maka-offend at baka gantihan sila. Ginagamit lamang nila ang social media sap ag-a-apply sa trabaho o sa iskwelahan, o kaya naman ay sa pakikipag-communicate sa mga close friends and relatives.

Mas lamang ang mga babaing ganito. Sila yung madalas na ma-bully kaya hanggang maaari, umiiwas sila sa mga social platforms, kahit pa sa mga group chats na minsan ay required ng mga iskwelahan para sa mga assignments at online lectures. Kung hindi rin lamang kailangan, hindi sila magbubukas ng social media.

Kadalasan sa mga teeners ay hindi politically active sa social media, ngunit nagpapahayag din sila ng kanilang mga karanasan at pananaw na related sa online activism – depende kung ano ang pinag-uusapan. At depende rin kung apektado sila o hindi. Kung hindi sila apektado, malamang, hindi sila magkokomento o kung magkumento man, wento-wento, wa-wenta lang. kasi, hindi nila naintindihan.

Karamihan sa mga teens ay nagkukumento tungkol sa kanilang mga karanasan, lalo na sa kanilang mga crushes.

Minsan, tungkol din sa mga artistang kanilang hinahangaan, o kaya naman ay sa mga kinaiinisan nilang teachers o sa mga subjects na pinoproblema nila. Walang puwang sa kanila ang political parties o social issues. Pakialam ba nila kung nag-aaway ang China at Pilipinas dahil sa Kalayaan Islands. Pakialam din nila kung bumaba ang ang ekonomiya ng bansa. Oo, mayroong iilang concerned sa mga bagay na ito, pero generally, hindi talaga dahil bata pa sila at dapt lang na i-enjoy nila ang kanilang kabataan.