WHISPERING RAIN

SA totoo lang, hindi ako maka-get over sa paggawa ng paba­ngo dahil sa buong buhay ko, ngayon lamang ako nakaga­mit ng pabangong ako mismo ang gumawa. Mahilig talaga ako sa perfume, pero mapili ako sa amoy, at ang nagustuhan ko pang amoy, yung mamahalin, kaya bihira talaga akong makabili. Kung nalaman ko lamang agad ang paggawa ng pabango, marahil ay multi-millionaire na ako ngayon at hindi na nagsusulat para sa Pilipino Mirror, hehehe …

Kaya po heto ang isa pang naimbento kong pabangong tinawag kong Whispering Rain. Ang mga ingredients ay:

Dalawang tasang distilled water, tatlong kutsarang vodka, limang patak na sandalwood essential/fragrance oil, sampung patak ng bergamot essential/fragrance oil, sampung patak na cassis essential/frag­rance oil.

Paraan ng paggawa:

Paghaluin ang lahat ng mga ingredients, kalu­ging mabuti. Ilagay sa madilim na botelya at hayaan lamang ang pabango na naroon sa loob ng 12 oras.

Ilagay sa refrigerator kung hindi pa gagamitin upang mapanatili ang bango. Yan po ang perfume ko ngayon. Pero hayaan ninyong ibigay ko pa rin sa inyo ang basic perfume recipe na:

2 tbsps carrier oil (like jojoba, sweet almond, coconut, or grape seed); 6 tbsps

100-proof alcohol, hindi po isoprophyl dahil 70% proof lang yon – vodka po ang ginaga­mit ko pag wala akong makitang 100% proof; 2.5 tbsps bottled water; 30 drops essential oils (9 drops top notes, 15 drops middle notes, 6 drops base notes); coffee filter; small funnel at malinis na dark-glass bottles with air-tight lids pinakuluan ko po muna bago ko pinatuyo para siguradong malinis.

Ang purpose tala­ga ng paggawa ng paba­ngo ay para maiba ka – magkaroon ng sariling scent identity. Syempre naman, ayaw mong ma-identify na amoy bagoong, amoy patis, amoy sunshine (amoy araw o pawis), lalo na ang amoy kam­bing (yung may body odor).

Ang gusto mo, ma-identify ka na mabango at malinis. Para maiwasan ito, kailangang maligo ka araw-araw. At para mas specific ang amoy mo, dapat, may specific scent ka na ikaw lang ang meron. Pero dahil halos pare-pareho lang naman ang amoy ng perfume sa market, gumawa ka ng sarili mong scent.

Hindi ito kumpli­kado. Kaya mong gumawa ng sarili mong pabango anytime, kahit dyan lang sa bahay mo. Tandaang bawat pabango ay may tatlong notes — top, middle, at base notes.

Top Notes: ito ang amoy na agad mong naamoy kapag ipinahid sa alin mang bahagi ng katawan. Ito rin ang lightest at pinakamada­ling mawala. Pero kahit ito ang lightest, kaila­ngan ito dahil ito ang gumagawa ng unang impresyon. Karaniwang ginagamit na top note ay citrus at herb scents.

Middle Notes: Mula sa top notes, unti-unting papasok ang middle note na tinatawag ding

heart notes. Mild pa rin ito pero mas matagal ang epekto. Ito ang lumilikha ng essence of the fragrance at nagtatagal ng halos isang araw. Karaniwang ginagamit dito ay lemongrass, rose at lavender.

Base Notes: mahalaga ang base notes sa dry-down period at lumilikha ng tinatawag na lingering effect sa pabango. Karaniwang ginagamit dito ay vanilla, patchoul at cedarwood.

Hayan, may DIY customized fragrance na kayo. Gawin nyo sa weekend para may perfume na kayo sa susunod na linggo!– NV

7 thoughts on “WHISPERING RAIN”

  1. 709165 739652Its truly a fantastic and helpful piece of information. Im pleased that you just shared this beneficial info with us. Please stay us informed like this. Thank you for sharing. 60054

Comments are closed.