WHO NAGBABALA SA MALING PAG-DISPOSE NG PPE

WHO-PPE

NAGBABALA  ang World Health Organization (WHO) kaugnay sa maling pag-dispose ng mga health workers sa mga personal protective equipment (PPE).

Ayon kay Dr. Takeshi Nishijima, mas malaki ang tiyansang mahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga health worker kapag hindi sumunod sa tamang protocol ng paghuhubad ng PPE.

Aniya, mas mainam na mag-alcohol agad sa kamay ang mga ito pagkahubad ng PPE suit kaysa maghugas ng kamay gamit ang tubig at asin.

Dagdag pa nito, na dapat maglagay ang mga ospital ng mga alcohol sa bawat pinto ng mga pagamutan.

Pinapayuhan naman ng WHO ang publiko na sumunod sa tamang health protocol at hangga’t maaari ay manatili sa kani-kanilang mga tahanan at madalas na maghugas ng kamay. DWIZ882

Comments are closed.