WHOLESALE PRICE NG MGA BILIHIN TUMAAS NOONG ABRIL

INIREPORT ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ang presyo ng wholesale na bilihin noong Abril, na mainly on the upticks in the indices ng mineral fuels, lubricants, manufactured goods at pagkain.

Sinabi ng PSA na ang General Wholesale Price Index (GWPI) sa national level ay tumaas ng 6.3 porsiyento nitong Abril mula sa 5.4 porsiyento ng nagdaang buwan, at 5.1 porsiyento noong Abril 2017.

Nairekord sa indices ang mataas na taunang dagdag sa mineral fuels, lubricants at related materials (27.5 percent); manufactured goods classified chiefly by materials (2.8 percent); pagkain(1.6 percent); at mga kemikal, kasama ang animal at vegetable oils at fats (0.6 percent).

Nairekord din ang mabagal na taunang kita sa ratio ng inumin at tabako na nasa 14.3 percent at makinarya at kagamitang pang-transport, 1 percent.

Ang index ng krudo, inedible, maliban sa langis, ay patuloy na nagrehistro ng negative annual rate sa 15.4 porsiyento, samantalang ang mga ibang manufactured articles index ay nanatili sa nakaraang buwanang paglago sa 0.9 porsiyento.

Sa taunang basehan, ang GWPI sa Luzon ay umakyat sa 6.1 porsiyento ng Abril mula sa 5.2 porsiyento ng nagdaang buwan;  sa Visayas sa 7.1 porsiyento mula sa 5.8 porsiyento; at sa Min­danao sa 8 porsiyento mula sa 6.4 porsiyento.

Sinabi ng PSA na buwan-buwan, ang GWPI sa  national level ay tumaas ng 0.9 porsiyento noong Abril matapos na ito ay makapagtala ng 0.3 porsiyento pagbagsak noong nakaraang buwan.

Naobserbahan ang mataas na paglago sa indices ng inumin at tabako, manufactured goods na may klasipikasyon ng material, at crude materials, inedible, maliban sa fuels index.  PNA

 

Comments are closed.