WIGGINS NABAKUNAHAN NA VS COVID-19

TINANGGAP ni Golden State Warriors wing Andrew Wiggins noong Linggo ang kanyang coronavirus jab para makapaglaro para sa kanyang koponan ngayong season.

“Andrew got vaccinated,” wika ni head coach Steve Kerr. “He just told me today that he was fine with us acknowledging it and that will be the end of it. So, I’m not going to answer any questions beyond that.”

Nauna nang nag-apply ang Canadian small forward na si Wiggins, 26, ng religious exemption ngunit ibinasura ito ng NBA.

Halos 90 percent ng NBA players ang nakapagpabakuna na, kabilang si NBA superstar LeBron James na noong una ay nag-aalangan.

Ang ibang stars, tulad ni Brooklyn Nets point guard Kyrie Irving, ay nag-aalinlangan pa rin o hindi pa ibinubunyag ang kanilang vaccination status.

Hindi minamandato ng NBA ang mga player na magpabakuna kontra COVID-19. Ang mga referee at ibang staff na malapit na katrabaho ng mga player ay kinakailangang fully vaccinated.

Gayunman ay nagbabala ang liga noong September na sa vaccine mandates na itinakda ng New York City at  San Francisco ay maaaring hindi payagang maglaro ang mga player ng Brooklyn Nets, New York Knicks at Golden State Warriors na maglaro sa home ngayong season kung hindi sila bakunado o exempted.

Ang unvaccinated players na hindi susunod sa local vaccination mandates ay hindi babayaran para sa mga larong liliban sila, ayon kay Mike Bass, ang executive president of communications ng NBA.

Plano ng NBA na laging magsagawa ng test sa unvaccinated personnel.

Gayundin, ang unvaccinated players ay oobligahin umanong magsuot ng masks sa team facilities at kapag bibiyahe.

153 thoughts on “WIGGINS NABAKUNAHAN NA VS COVID-19”

  1. 204950 43664This web page is often a walk-through its the internet you wanted about this and didnt know who to question. Glimpse here, and you will absolutely discover it. 271634

Comments are closed.