WIKA NGA: “UBOS, UBOS BIYAYA

Wika nga: “Ubos, ubos biyaya…”
“bukas nakatutunga” sa batang
Nagbingi-bingihan sa matanda
Pagdating sa usaping pitaka.

Maski walang kuwenta kaniyang
Bibilhin para lang ibodega.
Aniya: “Para saan ang barya
Kung di mo bubutasin ang bulsa?”

Kinse’t katapusan, bulang-gugo.
Walang ligo kahit mapasubo
Parang pera lang ay tumutubo
Sa kanilang mahiwagang puno.

Maghapo’t magdamag sa paglabas
Ang kain at inom nang madalas
Kahit di-hamak na mas masarap
Iyong hain sa kanilang hapag.

Ni ayaw ngang tikman ang 3-in-1
Dahil sa brewed lang daw siya hiyang.
At PX lamang naman ang laman
Ng labas at loob ng katawan.

Magpahanggang dumating ang gabi
Nang dalawin siya ng matinding
Hindi-malunas-lunasang kati.
Sa dating sakit ay nagpa-grabe.

Doon siya natutong gumastos
Para sa sarili niyang gamot.
Nang kaniyang ipon ay maubos
Noon niya natukyang mag-impok.

Sa isang sulok siya natuntong
Agawbuhay ng imbestigador.
Habang walang hinto sa pagkahol
Asong ginulat ng TV Patrol!