Wilbert Tolentino, pinagmamalaki ang celebrity make up artist na si Mary Letim Ponce!

Trending ngayon ang celebrity makeup artist na si Mary Letim Ponce dahil sa kanyang pasabog sa launching ng KaVougera products.

FYI ay si Mary ang make-up artist ng mga sikat na showbiz personalities at gumagawa ng hair color at hairstyles gaya nina Julia Montes, Herlene Nicole Budol, Wilbert Tolentino, and Regine Tolentino, just to name a few.

Sa launching ng kanyang KaVougera ay live na live niyang ikinwento ang kanyang journey kung paano siya pumayat at naging super model ang dating gamit ang kanyang kabogerang skin products.

Sa mga personal na nakakakilala kay Mary ay alam nila na from 82kg ay naging 47kg na lang siya dahil sa disiplina at sa iniinom niyang sariling produkto.

Bukod dito ay naging flawless pa ang kanyang kutis, pumuti at naging glass-skinned kaya naman literal na kinabog ni Mary ang lahat dahil sa kanyang journey.

Pinag-uusapan din ngayon sa socmed ang well-attended na launching kasama ang ilang mga sikat na socmed personalities.

Tale note dahil in attendance din sina Wilbert Tolentino at Regine Tolentino.

Ang ilan sa mga products ng KaVougera ay ang
Kojic soap, tinted suncreen, body lotion, liptint at perfumes.

Pinagmamalaki rin ng philanthropist na si Wilbert si Mary dahil sa pagiging dedicated nito sa trabaho.

Nakasama rin kasi ni Wilbert at Herlene si Mary sa pagpunta sa South Africa nang sumali sa international pageant si Hipon.

Si Mary rin ang proud owner ng ML salon na may 3 branches na all over the metro.