MINDANAO- PINAIGTING pa ng Philippine Red Cross (PRC) ang waterborne, Influenza, Leptospirosis and Dengue (WILD) disease campaign dahil sa patuloy na pag-ulan sa lalawigang ito na nagdulot ng mga pagbaha.
Pinakilos ng PRC Mindanao chapters Red Cross 143 (RC143) volunteers upang mamahagi ng brochures at flyers, disseminate information sa pamamagitan ng SMS alerts at texts, at magsagawa ng health promotion sessions sa Gingoog, Oroquieta, Tangub, Ozamis, Lanao del Norte, Zamboanga City, Cagayan de Oro, Agusan del Norte, Surigao Del Sur, at Iligan City.
Inulit naman ni PRC Chairman and CEO Richard J. Gordon ang kahalagahan ng preventive measures sa pagpigil sa transmission ng Wild Diseases.
“Mataas ang infections risk ng ganitong mga sakit [WILD Diseases] sa mga komunidad na may baha dahil ginagawa itong breeding ground ng mga daga at lamok. Maaring mapababa ang risk kung patuloy nating tutulungan at bibigyan ng kaalaman ating mga komunidad sa Mindanao sa kung paano maiiwasan ang pagkalat ng Leptospirosis, Dengue at iba pang waterborne diseases. Nananatiling alisto ang ating Health unit at volunteers sa Mindanao sa pagsasagawa ng mga health campaign,” paliwanag ni Gordon.
Bilang karagdagan sa health campaigns , ang PRC Health Services ay nagpadala sa Mindanao ng Doxycycline, na gamot para sa Leptospirosis, to Mindanao.
Nitong Enero 9, ang PRC ay nagbigay na rin ng sumusunod na humanitarian aid sa mga komunidad na apektado ng baha na dulot ng shear line noong Christmas weekend. PAUL ROLDAN