(Wildfire sa California) MANSION NINA PARIS HILTON, MEL GIBSON KASAMA SA NAABO

Mahigit sa 10,000 mga gusali ang winasak ng sunog, na itinuturing na most destructive fire sa kasaysayan ng Los Angeles sa CalIfornia USA.

Kabilang sa mga celebrity na nasunugan ay sina Mel Gibson, Leighton Meester at Adam Brody, na dumalo sa Golden Globes ilang araw lang ang nakalipas, ang aktor na si James Woods at ang $8.4 million Malibu mansion ng heiress na si Paris Hilton.

 Ang insured losses ay inaasahang higit sa $8bn (£6.5bn) dahil sa mataas na halaga ng mga ari-arian sa mga pininsala ng sunog.

Isang lalaki ang inaresto dahil sa hinalang siya ang nagsimula ng  sunog noong Huwebes, ngunit hindi pa alam ang mga sanhi ng orihinal na sunog.

Sinasabing ang  kombinasyon ng dry period – sa downtown Los Angeles na nakaranas lamang ng 0.16 inches (0.4cm) ng ulan mula noong Oktubre  at ang malalakas na pagbugso ng hangin na tinawag na Santa Ana winds  ay lumikha ng mga wildfire.

Ayon sa National Weather Service, ang Santa Ana wind ay dumadaloy sa silangan hanggang kanluran sa mga bundok ng timog California,

Dahil sa malakas na hangin ay  nagsimula ang apoy.

Ang mga bilis na 60 hanggang 80mph (95-130km/h) ay karaniwan, ngunit ang pagbugsong hanggang 100mph (160km/h) ay maaaring mangyari.

Bagama’t ang pinakamalakas na bugso ng hangin ay dumaan sa rehiyon, nagbabala ang mga forecaster ng isa pang tradisyonal na Santa Ana wind event ang maaring maganap.

A PEREZ