ITINALAGA ni Britain’s King Charles ang panganay na anak na si William at daughter-in-law na si Kate bilang Prince at Princess of Wales.
Ito ang puwesto na dating itinalaga kay Princess Diana.
Nabatid na gusto aniya ni Kate na gumawa ng sariling diskarte bilang Princess of Wales.
“With Catherine (Kate) beside him, our new Prince and Princess of Wales will, I know, continue to inspire and lead our national conversations, helping to bring the marginal to the centre ground where vital help can be given,” pahayag ni King Charles.
Ipinroklamang hari ng United Kingdom si King Charles III, matapos ang pagpanaw ng kaniyang ina, ang longest-reigning monarch na si Queen Elizabeth II.
Libo-libong tao kabilang na ang ilang Pinoy ay dumagsa sa Buckingham Palace para makiramay sa pagpanaw ng reyna. NENET VILLAFANIA