WILLIAMS GIGIL NANG  MAGPASIKAT PARA SA TNT

Mickey Williams

HANDA na ang minamalaking rookie na si Mickey Williams na ipamalas ang kanyang husay sa PBA sa paglalaro para sa TNT Tropang Giga.

Ayon sa 6-foot-2 playmaker, batid niya ang mataas na expectations sa kanya lalo na’t gumawa ng paraan ang Tropang Giga para makuha ang mahalagang no. 4 pick sa katatapos na rookie draft nang sa gayon ay magkaroon ng pagkakataon na hugutin siya.

Aniya, hindi na siya makapaghintay na patunayan ang kanyang sarili sa court.

“Definitely expect an electrifying player who’ll definitely do what he does. I love to put on a show,” anang 28-year-old rookie.

“Evey level I’ve been on I’ve been able to experience and do the things I love to do and that’s to play the game. I can’t wait to show the fans of TNT and defintely show everybody in the Philippines what I need to do and prove to everybody what I can do.”

Si Williams ay kasalukuyan pang nasa US subalit inihahanda na ang lahat ng travel documents at papers na kinakailangan para sa kanyang biyahe pabalik sa bansa.

Bitbit niya ang impresibong playing credentials, kabilang ang paglalaro sa NBA G League, na pambihira sa hanay ng PBA rookies. Naglaro rin si Williams para sa  Sioux Falls Skyforce noong 2014-15 at sinundan ito ng stint sa Canton Charge mula 2016 hanggang 2018.

Subalit sinabi ni Williams, na ang ina ay nakatira sa Naga, na bagama’t ang kanyang layunin ay ang mabigyan ng kampeonato ang Tropang Giga, mahalaga rin sa kanya na nagkakaisa ang buong koponan para makamit ito.

“I’m looking forward to just being around everybody and seeing how well we can jell on the court because chemistry is the biggest part of anything in basketball,” aniya.

“Because If you don’t have chemistry, that’s the team orientation that you need to get far.” CLYDE MARIANO

One thought on “WILLIAMS GIGIL NANG  MAGPASIKAT PARA SA TNT”

Comments are closed.