WILLIAMS NALILIITAN SA P220K MONTHLY SALARY?

on the spot- pilipino mirror

KUNG mahusay maglaro sa gitna ng hardcourt itong si Calvin Abueva, matindi rin pala itong sumayaw. Sa kanyang Instagram ay ibinahagi niya ang kanyang pagti-TikTok. Una ay solo niya, sumunod ay may kasama siyang isang kaibigan na lalaki, ‘yung pangatlo ang kanyang ex-wife, at ‘yung huli kong nakita ay ang kanyang anak na lalaki. Hindi ko na alam kung pang ilan ‘yung anak niyang kasamang sumasayaw.

Nabanggit ko na ang kasama  ni Abueva ay ang kanyang ex-wife. Tsika kasi ng On the Spot  ay tila naghiwalay na muli ng landas  ang dalawa dahil wala silang ginawa kundi away bati. Mukhang nasa ibang bansa ang babae. Hindi lang natin alam kung nagbakasyon lang ito o sadyang hiwalay na ang dalawa. Kung tuluyan nang naghiwalay si Calvin at ang wife niyang si Ms Sam, sana naman ay magandang hiwalayan ang nangyari para walang gulo sa susunod.

Happy naman ang player sa kanyang pagiging single parent, ang mga anak nito ay nasa kanyang biyenan.

Sa kasalukuyan  ay nasa Magnolia Hotshots na  si Abueva, sana malaki ang maitulong niya  sa  koponan.



Grabe naman itong si Mikey Williams na malaki pala ang hinihinging  kontrata sa TNT Tropang Giga kaya hanggang ngayon ay wala pang pirmahang nagaganap sa kanila ng kanyang mother team.  Offer ng Tropang Giga kay Williams ay  P220k kada buwan. Mukhang ayaw ni Mikey ang ganoong kontrata dahil naliliitan  ito. Si Williams ay nakapaglaro sa MPBL kung saan tumatanggap siya ng tumataginting na P300k kada buwan. Ito ang rason kung bakit hindi siya pumipirma ng kontrata sa TNT team ni coach Chot Reyes.

Hindi ba alam  ni Williams na bukod sa P220k monthly niya sa Tropang giga ay may mga bonus pa itong matatanggap kada panalo at iba pang incentives na mas malaki pa sa P300k na inaasam niyang matatanggap. Esep, esep din  Williams., Baka kapag napikon si MVP ay hindi ka makapaglaro ng isang taon sa PBA.



Nagdiwang ng 14th birthday ang anak ni James Yap kay Kris Aquino noong nakaraang April 19. Ibinahagi  ni Yap ang kanyang greetings sa kanyang IG.

Ito ang greetings ni Jamses kay Bimby. “Happy 14th birthday, Bimb. I love you no matter what. Wishing you all the best that life can offer. I love you very much.”

Sa mensahe  ni King James sa kanyang anak mukhang inintriga ang player ng Rain or Shine. Ano raw kaya ang ibig sabihin nito sa kanyang message sa kanyang anak na si Bimby?

Siguro naman bilang ama ay wala itong kahulugan kaya huwag na sanang intrigahin pa.

81 thoughts on “WILLIAMS NALILIITAN SA P220K MONTHLY SALARY?”

  1. Learn about the side effects, dosages, and interactions. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    https://edonlinefast.com cheap ed pills
    What side effects can this medication cause? Top 100 Searched Drugs.

Comments are closed.