Willie Revillame balik Dos dahil kay Manny Villar

TOTOO kayang babalik si Willie Revillame sa Channel 2 ngayong na-award na kay da­ting Senator Manny Villar ang ABS-CBN frequency sa Advance Frequency System na pag-aari ng pamilya Villar.

Balitang nagpaalam si Kuya Wil sa GMA-7 para suportahan ang kaibigan at kasosyong si Senator Manny sa pagiging bagong media mogul nito.

Magsisimula umano ang test broadcast ang Villar channel sa Pebrero 14, Lunes, at ang isa sa magiging expected flag carriers nila ay si Willie.

Nagkaroon ng spe­cu­lations dahil nagpa­alam si Willie noong February 4 na huling araw na nila sa kanyang resort/hotel sa Tagaytay. Hindi malinaw kung babalik sila sa studio ng GMA-7, pero sana raw ay makabalik sila.

Inaabangan din ang desisyon ng GMA-7 sa programa ni Willie dahil meron palang party-list na Tutok to Win kung saan si Sam Versoza ng Frontrow ang first nominee.

Noong birthday ni Willie, pinuri siya ng mga executives ng GMA-7, pero dahil close nga si Kuya Wil sa pamilya Villar, malamang na lumipat nga ito kung mangangaila­ngan ang network nila ng mga bigating TV personalities.

Ipalalabas daw sa Villar-owned network ang ibang Kapamilya shows kaya asahan na ang long running tele­serye ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsyano sa nasabing istasyon.

Ngayong naigawad na ang mga dating TV at radio frequencies ng ABS-CBN Broadcasting Corporation sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na pagmamay-ari ng bilyonaryo at dating senador na si Manny Villar, panga­lawa sa pinakamayang tao sa Pilipinas ayon sa Forbes List 2021 sa net worth na $67.5 billion – may karapatan na siyang maging simulcast channel ng Dos dahil ito ang analog channel sa Mega Manila ng digital channel 16.

Noong 2020, binawi ng NTC ang TV at radio frequencies ng ABS-CBN at DZMM, mga media company na pagmamay-ari ng ABS-CBN Broadcasting Corporation, matapos ilaglag ng Kongreso ang kanilang franchise application.  – KAYE NEBRE MARTIN