PRODUKTO ng pagsisikap sa buhay ang anumang naipundar ni Willie Revillame.
Recently, ibinahagi niya ang property niya sa Will Tower, kung saan dito ang taping ng Wowowin para safe ang lahat sa, pandemic.
Sa pamamagitan ng isang virtual tour, ipinasilip ng Wowowin host na si Willie Revillame ang kanyang pamumuhay sa Wil Tower. Simula kasi nang nakabalik siya sa Maynila noong Abril at itinuloy ang kanyang programa, ang Wil Tower na ang naging studio ng Wowowin at nagsilbing tahanan niya at ng kanyang staff hanggang ngayon.
“Ang lahat po ng ito ginagawa ko, ginagawa namin para ho hindi na sila umuwi. Para ho safe na tayo,” ani Willie.
Ipinakita ni Willie ang kanyang mga katrabaho sa likod ng camera, kung saan sila pumapasok patungong setup ng Wowowin, ang kanilang conference room, at pati na ang kanilang dirty kitchen.
Ipinasilip din ni Willie ang nakaabang na kitchen showcase at living room showcase na maaaring mapanalunan sa ‘Spin A Wil.’
Ang Wowowin ay araw-araw napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa TV at sa official verified social media accounts ng programa.
*****
BAWAL NA GAME SHOW
Ngayong Oktubre, kakaibang kilig ang handog ng “Fill in the Bank” at “Bawal na Game Show” tampok ang kinagigiliwang That’s My Baes, singing sensations, stunt artists, at mga sawi sa pag-ibig na ilan lamang sa mga kakaibang karakter na makikigulo sa pinaguusapang TV5 game shows.
Waiters ang bibida sa “Fill in the Bank” sa Lunes, Oktubre 5 kung saan may pagkakataon silang manalo ng hanggang Php150,000. May naghihintay ring papremyo sa mga kalahok mula sa Big Families na siya namang mga kalahok sa Miyerkoles, Oktubre 7. Sasabak sila sa Ayuda Teh! Machine (ATM) at Panghakot na Papremyo Equipment (PPE).
Ang mga tinig nina Angeline Quinto at Daryl Ong ang magpapasigla sa Oktubre 9 kasama ang “Fill in the Bank” hosts “Manedyer” Jose Manalo at “Madam Poky” Pokwang. Masusubok ang husay ang galing nila sa pag-iimpok sa Enter your Pin Code, Cheque or X, Gold Rush, at Huli Cash. Tutok na sa “Fill in the Bank” tuwing Lunes, Miyerkules, at Byernes 7:30 p.m. sa TV5.
Kakaibang stunts ang gugulat sa “Bawal na Game Show” fans sa Oktubre 6 tampok ang stuntmen na sina Artemio Albelleda at Don San Juan Francisco, at stuntwomen na sina Joanna Balanza at Christina Gomera. Mga sawi naman sa pag-ibig ang magiging mga pasaway sa Oktubre 8 na sasabak sa “Bawal Ma-Fall,” “Bawal ang Da Moves,” “Bawal ang Sablay,” at “Bawal ang Sumuko.”
Hindi kumpleto ang pampakilig ng TV5 ngayong linggo kung wala ang hot guys ng That’s My Baes na sina Jon Timmons, Kim Last, Kenneth Medrano and Miggy Tolentino sa Sabado, Oktubre 10. Abangan kung paano sila makikipagkulitan sa Ghorl Twins ng “Bawal na Game Show” na sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros. Mapapanood ang “Bawal na Game Show” tuwing Martes at Huwebes 7:30 p.m. at TV5.
Comments are closed.