Willie Revillame makikita ba sa Senado?

faceup

MALAKAS talaga ang hatak ni Willie Revillame sa mga tele­viewers, kaya ang dami sa kanyang followers na sumasali sa pakontes sa Wowowin. Swerte kung matawagan ka ni Kuya Wil at nakatutok sa kanyang show, at presto, may pera ka agad.

Sa pag-usap pa lang nila sa telepono, ramdam ng TV host kung umiiyak ang kanyang tinawagan sa sobrang kasiyahan dahil may pangtawid gutom na. Sa anim na araw na napapanood ang Wowo­win, mara­ming kababa­yan natin ang natulungan niya. Gusto niyang maibalik sa normal na live audience ang kanyang show para grupu-grupo ang mabigyan niya ng premyo. Aba, Setyembre na. Ilang linggo na lang, Oktubre na. Nakapagpasya na kaya si Kuya Wil na pasukin ang politika?

Nitong pandemya, naisip niya kung paano ang mga kababayan na­ting nawalan ng mahal sa buhay at walang trabaho.

Hinihintay ang pas­ya ni Kuya Wil para mai­sama sa line-up sa tiket ng administrasyon. Pinayuhan siya ng ilang kaibigang huwag pasukin ang politika dahil magugulo ang buhay niya. Kahit di siya maging senador, matagal na siyang tumutulong sa ating mga kababayan. Si Kuya Wil mismo ang pumupunta sa lugar para ihatid ang kanyang tulong.

Pag pumasok siya sa politika, hindi na siya pwedeng mag-host pero pwedeng kumuha siya kapalit niya. Abangan ang susunod na kabanata.

***

ATE GUY NOMINADONG NATIONAL ARTIST

AASA pa ba si Nora Aunor na hiranging National Artist? Laging sinasabi ng Superstar na, “kung ibibigay nila ang karangalan sa akin, salamat o kung hindi naman, salamat.”

Aminin, kung pagbabasehan ang track record niya bilang artista, singer at prod­yuser, qualified siya. Sa dami ba naman ng mga awards niya bilang international at local best actress, kukwestyu­nin pa ba ang galing ni Ate Guy? Bukod sa bansag na “Superstar” kinikilala rin siyang “Greatest actress of all time.” Sabi nga ng isang Noranian, “yung warehouse na nire-rent nila para paglagyan ng mga trophies niya ay punung-puno na.

Sa taong ito, nominado si Nora sa National Commission for the Culture and the Arts (NCCA) pero hindi na siya dumaan sa deli­berasyon dahil awtomatik nominado siya sa kategoryang Broadcast Media and Arts. Nasa kamay ng seven members ng committe ng Malacanang kung mahihirang na National Artist si La Aunor.

Sa ngayon, nahihilig sa gardening si Ate Guy. Pandemic kaya hindi makalabas ng bahay ang mga senior citizen.

Pero may gagawin siyang teleserye sa GMA7. inaayos na ang cast ng teleserye at magkakaroon din ng presscon.

Siyempre, susunod din sila sa health protocol ng AITF at DOH.

Sana, matapos na ang pandemya. Yes, The Queen of Kapuso Network will be back again. Ito bale, ang opening salvo niya sa first quarter ng 2022.

***

DYOWA NI ARA IIMBESTIGAHAN 

PINAG-USAPAN ang simple pero eleganteng kasal nina Ara Mina at David Almarinez.

Naging kontrobersiyal si David dahil dalawang babae ang pina­ngakuan niya ng kasal. ‘Pero nasisilip ang kum­panya ni David. Bilyong pisong pondo raw ang hind nagamit ng Philippine International Tra­ding Corporation kung saan presidente at CEO si David.

Kamakailan, sa se­nate investigation, sinabi ni senador Richard Gordon na dapat ibalik ng PITC sa National Trea­sury ang pondong di nagamit.

Ano kaya ang masa­sabi ng mag-asawa tungkol dito lalo’t maugong na tatakbong konresista si David sa first district ng Laguna?

Comments are closed.