KUMPIRMADONG aalis na si Willie Revillame sa GMA-7 dahil tapos na ang kanyang kontrata at hindi na siya nag-renew nito. Ayon sa GMA Network management, sa February 15 matatapos ang kanyang kontrata.
“Willie Revillame’s contract with GMA Network is set to end on the 15th of this month. His show ‘Wowowin’ will air until Friday, Feb. 11,” ayon pa sa kanila.
Sabi nila, hindi na nag-renew ng contract si Revillame dahil lilipat ito sa Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS) na pag-aari ni Manny Villar na malapit niyang kaibigan ngayon. Magti-take-over ang AMBS sa television broadcast frequencies na dating pag-aari ng ABS-CBN Corporation, matapos silang bigyan ng test permit ng National Telecommunications Commission (NTC) granted AMBS noong January 6.
Ang test permit at hanggang 2023. – KAYE NEBRE MARTIN