ISIPIN ninyo kung paanong nagawa ni Wilma Doesnt na pagsabayin ang pag-aartista, pagsu-supermodel, pagiging nanay at pagiging negosyante. Wonder Woman! May magic!
At hindi lang yan. Mahusay siya sa ahat ng aspeto.
Bata pa lamang ay hinuhusgahan na siya dahil sa kulay ng kanyang balat, kaya nang pumasok siya sa modelling industry, hindi lamang to fit in the society ang gusto niya kundi ang mag-stand out – na nagawa naman niya.
Tatlo ang anak ni Wilma sa mga sablay niyang relasyon. Sina, Asiana, Emilia, at Araion. Lahat sila ay Doesn’t ang last name dahil gustong ipaalam ni Wilma na ipinagmamalaki niya ang kanyang mga anak.
Noong 2000, sumikat siya bilang komedyate, actor, at modelo. Hindi man siya nabigyan ng acting award, alam naman ng lahat na mahyusay siyang umarte. Besides, namayagpag siya sa modelling industry at isa sa tinitingala ng lahat hangga ngayon.
Sa ngayon, sa ibang bagay naman busy si Wilma Doesnt dahil maryoon siyang restaurant sa General Trias, Cavite na tinawag niyang ‘Chicks ni Otit 5-star carinderia.’
Three years ago, naisipan niyang magtayo ng maliit na kainan kasosyo ang fiancé na si Gerick Livelo Parin. By the way, masarap pong magluto si Wilma. Isa siyang Kapampangan at alam naman nating natural na sa kanila iyon.
Ngayon ay sikat na sikat na ito at pinagdarayo hindi lamang ng mga taga-GenTri, kundi ng mdga kalapit-bayan din. Araw-araw, puno ang mga mesa nila, at kung minsan, 9:30 am pa lamang ay may nag-aabang na dahil 10:00 am sila nagbubukas.
“Kahit na tricycle driver ka, hindi ka mahihiyang kumain dito sa amin,” sabi ni Wilma. Kasi naman, ordinary lamang ang menu sa Chick ni Otit. May chicken inasal, laing, pinakbet, ensaladang talong, sisig, grilled liempo, boneless bangus, sinigang, caldereta, at mga silog options. Ngunit hindi nakakahiyang idugtong ang tagline na “Five Star Carinderia” dito dahil sa sarap ng pagkain at ganda ng service.
Lutong bahay ang lasa ng mga pagkain, at para ka ring nasa loob ng sarili mong bahay kaya hindi ka mahihiyang kumain dito, kahit pa nakakamay at nakataas ang paa.
“Kaya siya five-star carinderia kasi hindi lang masarap ang pagkain, malinis din, and we make sure it’s well-plated,” ani Gerick. “It’s a carinderia kasi we keep our prices affordable.”
Si Gerick ang tumatayong boss dahil siya ang may karanasan sa kusina ng Shangri-La Hotel Malaysia at sa cruise ship din. Siya rin ang in charge sa a la carte Italian dishes. Bukod sa malinis at masarap ang kanilang pagkain, hindi rind aw sila gumagamit ng vetsin.
Bago sinimulan ang Chicks ni Otit, kumuha muna ng basic culinary course sina Gerick at Wilma, liban pa sa learning experiences ang lessons sa kanilang lola, mother-in-law, at pamamasyal sa bansa.
Nina Wilma at Gerick ang kanilang mga anak sa pagpapatakbo ng restaurant. Isa sa kanila ang nasa cashier, isa ang nasa kitchen at ang iba pa ay tumatayong server.
Speaking of anak, tinatahak ng panganay ni Wilma ang isa pang career – ang modelling. Bago pa lamang isilang si Asiana Doesnt hinulaan nang siya ang magmamana ng supermodel title ni Wilma.
Ngayong 21 years old na siya, kaya na niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.
In fairness, hindi raw naman siya pinilit ni Wilma na pumasok sa modeling. Pero aminado siya noong una na baka ikumpara siya sa kanyang ina na naging supermodel nga. Ngayon, wala na ang takot dahil halos supermodel na rin siya.
Kung walang gaanong trabaho, tumutulong din si Asiana sa Chicks ni Otit pero sa cashier daw lamang siya dahil ayaw niyang mapagod ang kanyang mga binti.
Sa totoo lang, hindi modeling ang kanyang dream job dahil gusto niyang maging abugida. Sa ngayon, matatapos na ang kanyang pre-law at sa palagay niya ay mapapagsabay niya ang dalawang career in the future. Why not? Kung kaya ni Wilma, kaya rin ni Asiana. NLVN