PASOK na sina Novak Djokovic at Roger Federer sa quarterfinals ng Wimbledon.
Ito na ang ika-50 Grand Slam quarterfinals ni Djokovic habang si Federer ang itinuturing na pinamatandang player na nakapasok sa ‘last 8’ ng torneo.
Umabante si world No. 1 Djokovic, nagtatangka sa kanyang sixth Wimbledon at record-equalling 20th major, sa ‘last 8’ sa ika-12 pagkakataon sa pamamagitan ng 6-2, 6-4, 6-2 pagbasura kay Cristian Garin ng Chile.
Susunod na makakasagupa ni Djokovic si Marton Fucsovics ng Hungary para sa isang puwesto sa semifinals.
“Confidence levels are very high after winning the French Open,” said Djokovic.
“It was one of my biggest wins in the circumstances — two five-setters, two four-setters in the second week.
“They took a lot out of me but they also gave me wings.
The further I go in the tournament, the more comfortable I feel and I look forward to the next challenge.”
Dinispatsa naman ni Federer, 39, si Lorenzo Sonego ng Italy, 7-5, 6-4, 6-2, upang magmartsa sa quarterfinals ng Wimbledon sa ika-18 pagkakataon at ika-58 sa kabuuan sa makakaharap ni eight-time Wimbledon champion Federer si second seed Daniil Medvedev o Hubert Hurkacz, ang 14th seed, para sa isang puwesto sa semifinals.
“I felt after the first set I was able to control things. I couldn’t be more excited to be in the quarters,” wika ni Federer na ang laro ay ginanap sa final ‘Manic Monday’, kung saan ang lahat ng last-16 ties sa men’s at women’s event ay nilaro.
Mula sa susunod na taon, ang laro ay idaraos sa middle Sunday, na nakagawian nang tournament rest day.
“I’m happy to have played in the era that there was a ‘Middle Sunday’ but it now means more people can come to the tournament.
“It was very special and I really enjoyed it.”
591436 323971Some genuinely wondrous work on behalf of the owner of this website, perfectly wonderful subject material . 334195