LONDON — Umabante si Roger Federer sa fourth round ng isang Grand Slam tournament sa ika-69 na pagkakataon makaraang malusutan ang home crowd at ang matikas na pakikihamok ng huling British man sa draw, Cameron Norrie, para maitakas ang 6-4, 6-4, 5-7, 6-4 panalo sa Wimbledon.
Nanatiling buhay ang pangarap ni Federer na record-extending ninth singles title.
Sa women’s side, magaan na dinispatsa ni Australia’s world number one Ashleigh Barty si Katerina Siniakova, 6-3, 7-5, upang umusad sa Last 16.
Naisaayos niya ang fourth round clash kay French Open champion Barbora Krejcikova, na namayani kay Ana-stasija Sevastova ng Lativa, 7-6 (7-5), 3-6, 7-5.
“Another great challenge (Krejcikova) but looking forward to it,” ani Barty.
“She has been playing some great stuff and it will be a new challenge for me as I have never played her be-fore.”
Kung aabante sa quarterfinals sa unang pagkakataon ay makakabangga ni Barty si Coco Gauff o 2018 champi-on Angelique Kerber.
Sina Gauff at Kerber ay maghaharap sa Last 16 makaraang gapiin ng American teenager si Slovenian Kaja Ju-van habang nagwagi ang German sa three-setter kontra Aliaksandra Sasnovich ng Belarus.
Mahalaga para kay Federer ang paglalaro niya sa Wimbledon.
“I hope there is a little bit more left in me as this one is special for it is the last slam before I hit the big 40,” wika ni Federer, ang third oldest man na sumampa sa Last 16 sa Open era.
Sumunod si Norrie kina two-time champion Andy Murray at British number one Dan Evans na napatalsik sa third round.
Makakasagupa ni Federer si Italian 23rd seed Lorenzo Sonego para sa isang puwesto sa quarterfinals.
178111 814804Woh Everyone loves you , bookmarked ! My partner and i take problem in your last point. 969746
892623 130152I dont think Ive scan anything like this before. So good to locate somebody with some original thoughts on this subject. thank for starting this up. This website is something that is necessary on the web, someone with a little originality. Good job for bringing something new to the internet! 189216