WIMBY CROWN KAY BARTY

Ashleigh Barty

NASIKWAT ni Ashleigh Barty ang kanyang unang Wimbledon title makaraang igupo si Karolina Pliskova, 6-3 6-7 (4-7) 6-3, sa women’s final noong Sabado.

Namayani ang world No.1 sa first set subalit natalo sa second sa kapana-panabik na  tie-break bago nabawi ang kanyang composure para manaig sa decider.

Si Barty ang unang Australian woman na nagwago ng single’s title magmula nang gawin ito ng kanyang idolong si Evonne Goolagong Cawley noong 1980.

Bago ang torneo ay nangako si Barty na gagawin niya ang lahat para maging unang Australian woman matapos ni Cawley na nag-uwi ng korona at nagawa niya ito sa pagbali sa pinakakinatatakutang serve sa kumpetisyon ng anim na beses.

“I have to genuinely thank every single person in this stadium. You have made my dream so special, thank you so much,” wika ni Barty sa kanyang  on-court interview.

“It was an exceptional match right from the start, I knew I had to bring my very best level. I was really proud of myself with the way I was able to reset and just keep going.”

Sa unang pagkakataon magmula noong 1977, ang dalawang players ay kapwa nasa kanilang debut appearance sa isang Wimbledon final.

Bilib naman si Pliskova sa ipinamalas ng Australian.

“She was playing an incredible tournament and incredible match today,” pahayag ng emosyonal na si Pliskova sa kanyang on-court interview.

“It wasn’t easy to close the second set, I was fighting to make it difficult for her but I think she really played very well so congratulations to her.”

Kahanga-hanga ang naging paglalakbay ni Barty bago nakuha ang kanyang unang Wimbledon title.

Kasunod ng kanyang matagumpay na junior career, nagpahinga siya sa tennis noong 2014, at sinabing ang sport ay naging “robotic” at siya ay biktima ng kanyang sariling tagumpay.

Binalingan niya ang cricket at nagkaroon ng kontrata bilang isang all-rounder sa Brisbane Heat sa Australia, bago bumalik sa  tennis noong 2016.

Nasungkit niya ang kanyang unang grand slam sa French Open  noong 2019 bago muling nagpahinga sa sport dahil sa ­COVID-19 pandemic.

7 thoughts on “WIMBY CROWN KAY BARTY”

Comments are closed.