WIMBY CROWN KAY KREJCIKOVA

LONDON – Pinataob ni Czech Barbora Krejcikova si Jasmine Paolini ng Italy sa tatlong sets, , 6-2, 2-6, 6-4, upang angkinin ang  women’s singles title sa Wimbledon Championships dito noong Sabado.

Kapwa sumalang sa kanilang unang Wimbledon singles final,  si 31st-seeded Krejcikova ay masyadong malakas sa baseline para kay seventh seed Paolini sa first set, bumali ng dalawang beses para kunin ang panalo.

Subalit bumawi si Paolini, nakarating sa French Open final sa kaagahan ng buwan, sa kanyang powerful shots upang kunin ang  second set.

Sa deciding set ay nangibabaw ang lakas ni 2021 French Open champion at 10-time Grand Slam doubles champion, Krejcikova upang tapusin ang laban sa 6-4.

“It’s unreal what just happened,” sabi ni Krejcikova. “This is definitely the best day of my career and my life.”

“It was such a difficult match. I was telling myself to be brave. At the end I was the lucky one. I didn’t know I could win until the very last point. I still can’t believe that I’m standing here, Wimbledon winner. How did that happen? I have no idea.”