WIN-WIN SOLUTION INIREKOMENDA SA USAPIN NG WEST PHILIPPINE SEA

Rep Alfredo Garbin

INIREKOMENDA ni Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin ang isang win-win solution para maresolba ang usapin sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon kay Garbin, bagaman suportado niya ang pahayag ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na para lamang sa mga Filipino ang marine resources, dapat  kilalanin din ang verbal agreement ng government officials sa China at Vietnam hinggil sa pagpayag na dumaan ang kanilang mga barko at fishing vessels sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Magkagayunman ay dapat tukuyin ang parameters at protocols sa pamamagitan ng bilateral o multi-party written agreements upang mas maging malinaw kung ano ang mga ipinagbabawal na aksiyon sakaling nasa loob ng EEZ ang mga ito.

Kaya’t  suhestiyon pa ng mambabatas, para mapahupa ang tensiyon ay maaaring magkaroon na lamang ng common fishing grounds sa labas ng EEZ, nguni’t papayagan naman ang foreign fishing vessels na dumaan.

Sa huli, binigyang-diin nito na ang sigalot sa West Philippine Sea ay hindi usaping pang militar kundi isang civilian law enforcement, kaya hindi na kailangang manggipit o gumawa ng karahasan.  CONDE BATAC

2 thoughts on “WIN-WIN SOLUTION INIREKOMENDA SA USAPIN NG WEST PHILIPPINE SEA”

  1. 51121 648279Good post. I learn something far more challenging on different blogs everyday. It will always be stimulating to read content from other writers and practice a little something from their store. Id prefer to use some with the content material on my weblog whether you dont mind. Natually Ill give you a link on your internet blog. Thanks for sharing. 584651

Comments are closed.