(Win-win solution sa PUV drivers, commuters sa gitna ng oil price hike) SERVICE CONTRACTING PAIGTINGIN

HINIMOK ni Senadora Risa Hontiveros ang Department of Transportation (DOTr) na palawakin ang service contracting program ng gobyerno upang matiyak na ang pamasahe sa mga pampublikong sasakyan ay mananatiling abot-kaya sa gitna ng tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

“Kailangang paigtingin pa ang service contracting. Hindi lang ito sagot sa problema ng mahabang pila ng commuters tuwing rush hour, kundi malaking kaluwagan din na mapanatiling mababa ang pasahe,” ani Hontiveros.

Ang presyo ng gasolina at iba pang produktong petrolyo ay tumaas ng higit sa P7 kada litro sa loob lang ng halos dalawang buwan. Nanawagan ang mga transport group para sa dagdag na P3 sa minimum fare upang makasabay sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Hontiveros, mas maraming mga drayber at operator ng public utility vehicles (PUVs) ang dapat na mapabilang sa programa at dapat tugunan na ang problema sa pagbabayad sa mga kasalukuyan nang driver-beneficiaries.

“Kailangang gobyerno ang sumalo ngayong parehong tsuper at komyuter ang nalalagay sa alanganin. Gobyerno ang magpapasweldo sa mga tsuper at aako ng gastos sa gasolina para hindi muna magtaas ang pasahe at maipasa sa konsyumer,” diin ng senadora.

Sinabi ni Hontiveros na maaaring i-tap ang P3 bilyong pondong hindi nagastos at nakalaan sa service contracting at libreng sakay programs upang matulungan ang mas maraming driver-beneficiaries at makapagbigay ng subsidiya sa gasolina at pamasahe.

Ngunit, ayon sa senadora, hindi sapat ang halagang ito dahil dapat ay matapatan ng P5-B na inilaan para sa programa sa ilalim ng Bayanihan 2.

“Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) needs to ramp up with obligating the P3-B it has from the 2021 budget,” ani Hontiveros.

“Kailangan ding hanapan ng pandagdag na pondo katumbas ng inilaan para sa service contracting sa Bayanihan 2 na nasayang lang. Dapat mabayaran ang mga tsuper nang on time at sapat para maging kapaki-pakinabang ang sistemang ito,” dagdag pa niya.

Aniya, ang isa pang maaaring mapagkunan ng pondo ay ang nakolektang buwis mula sa fuel marking program sa ilalim ng TRAIN law.

“Ipinagmamalaki ng Department of Finance ang success ng fuel marking program. As of 2020, P131.17-B  ang nakolektang buwis mula rito. Magandang tingnan kung paano ito makakatulong na dagdag-ayuda o suporta sa mananakay at sa mga pasahero,” ani Hontiveros.

Ayon kay Hontiveros, ang isang mahusay at pinalawak na programa sa service contracting ay ‘perfect balance’ sa pagtugon sa parehong interes ng commuting public at ng mga PUV driver.

“Mahirap timbangin ang sitwasyon. Kapag pinagbigyan ang taas-pasahe, commuters ang aaray. Kapag naman hindi ito payagan, ang drivers ang maiipit at lalong liliit pa ang kita. Service contracting ang win-win solution para sa lahat,” dagdag pa niya. VICKY CERVALES

258 thoughts on “(Win-win solution sa PUV drivers, commuters sa gitna ng oil price hike) SERVICE CONTRACTING PAIGTINGIN”

  1. Everything about medicine. Learn about the side effects, dosages, and interactions. https://avodart.science/# cost of avodart without rx
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. earch our drug database.

  2. Drug information. drug information and news for professionals and consumers.
    https://clomiphenes.com buying cheap clomid without insurance
    Actual trends of drug. Some are medicines that help people when doctors prescribe.

  3. Read information now. Get information now.
    ed pill
    Everything what you want to know about pills. Prescription Drug Information, Interactions & Side.

  4. Best and news about drug. Prescription Drug Information, Interactions & Side.
    https://canadianfast.com/# prescription without a doctor’s prescription
    Everything what you want to know about pills. What side effects can this medication cause?

  5. Prescription Drug Information, Interactions & Side. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    purchase sildenafil
    Learn about the side effects, dosages, and interactions. Read now.

Comments are closed.