WINNABILITY ‘DI BASEHAN SA PAGBOTO SA KANDIDATO

Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo-2

HINDI basehan ang ‘winnability’ ng isang kandidato upang ihalal ito sa posisyon.

Ito ang ipinaalala kahapon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa mga botante, kasunod na rin ng nalalapit na pagdaraos ng May 13 National and Local Elections sa bansa.

Ayon kay Pabillo, ang pagboto ay isang pagpapahayag ng saloobin at hindi ito gaya ng isang loterya, na ang kaila­ngang ilagay mo sa kard ay kung anong mga numero ang mananalo.

Dapat din  bumoto ang botante, alinsunod sa isinasaad ng kanilang konsensiya at huwag magpadala lamang sa mga inilalabas na survey.

Giit pa ng obispo, dapat na maging matalino sa pagboto upang hindi ito pagsisihan pagdating ng panahon.

“It is not a matter of betting on winning horses. It is the free expression of our convictions,” paliwanag pa ni Pabillo.

“Let us not be conditioned by survey results and polls. These are part of the propaganda and are meant to condition our votes,” aniya pa.

“Many have regretted their votes in the 2016 elections. Let this be a lesson to us now. Let us be wiser,” dagdag pa ng obispo. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.