WINNING STREAK ITATAYA NG LETRAN VS LYCEUM

Standings W L
Benilde 9 2
Letran 9 3
LPU 8 4
San Beda 7 4
JRU 5 3
Arellano 5 6
Perpetual 5 7
SSC-R 3 6
Mapua 4 9
EAC 1 12

Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – LPU vs Letran
3 p.m. – SSC-R vs JRU

SISIKAPIN ng defending two-time champion Letran na mahila ang kanilang perfect run sa pitong laro sa pagsagupa sa Lyceum of the Philippines University sa showdown na maraming implikasyon para sa No. 2 ranking sa Final Four ng NCAA men’s basketball tournament ngayon sa Filoil EcoOil Centre.

Ang panalo sa 12 noon duel sa Pirates ay magpapatatag sa puwesto ng Knights sa top two.

Maglalaro sa ikalawang pagkakataon sa tatlong araw, sisikapin ng Jose Rizal University na maibalik ang kanilang winning ways sa pagharap sa San Sebastian sa iba pang laro sa alas-3 ng hapon.

Matapos ang 3-3 simula, ang Letran ay nanalo ng anim na sunod upang bumuntot sa College of Saint Benilde, na tangan ang best record sa liga sa 9-2.

Nagkaroon ng dagok sa kampanya ng LPU para sa twice-to-beat bonus sa Final Four kasunod ng 63-77 loss sa Arellano University noong Miyerkoles kung saan bumagsak ang tropa ni coach Gilbert Malabanan sa third place sa 8-4.

Sa likod nina veterans Brent Paraiso, Fran Yu, King Caralipio, Kurt Reyson at Mark Sangalang, ang Knights ay bumabalik sa porma na naglagay sa kanila sa pagiging championship contenders.

Umaasa naman ang Pirates na makakabawi ang leading scorer ng koponan na si Mac Guadaña mula sa two-point sa pagkatalo sa Arellano Chiefs.

Na-sideline ng 18 araw dahil sa health and safety protocols, ang momentum ng Bombers mula sa kanilang five-game winning streak ay naputol sa 79-93 pagkatalo sa Blazers noong Martes.&

Ang pagkatalo ay naglagay sa JRU (5-3) sa labas ng Final Four range, at naghahabol ito ngayon sa San Beda, na nasa fourth spot na may 7-4 kartada, pagdating sa winning percentage.

Ang laro kontra Stags ang huling first round assignment ng Bombers, at malaki pa ang hahabulin ng Mandaluyong-based cagers.