SISIKAPIN ng dalawang Filipino figure skaters na matupad ang kanilang Olympic dreams sa pagsabak sa Nebelhorn Trophy 2021, ang qualifying event para sa 2022 Winter Olympics.
Si reigning national champion Edrian Celestino ang male representative ng bansa sa torneo kung saan pitong pinakamahuhusay na figure skaters ang magkukuwalipika sa Beijing Winter Olympiad.
Nanguna ang Canada-born na si Celestino sa katatapos na Olympic qualifier evaluation na organisa ng Philippine Skating Union, kung saan tinalo niya sina Southeast Asian Games silver medalist Christopher Caluza at two-time Winter Olympian Michael Martinez.
Samantala, target ng 15-anyos na si Frank na maging unang Pinay na umabante sa Winter Olympics kung saan sisikapin niyang makopo ang isa sa anim na Olympic tickets na nakataya sa distaff side.
Kamakailan ay nasikwat ni Frank ang bronze medal sa 2021 Colorado Springs Invitational.
Si Los-Angeles born Frank ay dumating sa Germany noong Lunes at puspusan nang naghahanda para sa Winter Olympic qualifiers.
Ang Nebelhorn event ay unang international tournament ni Frank bilang kinatawan ng Pilipinas magmula nang maging bahagi ng national team nitong Agosto.
376197 987365I like this site extremely significantly so much wonderful details. 652694