WINWYN MARQUEZ HINDI NAGSISISI NANG UMATRAS SA BINIBINI

WINWYN MARQUEZ

WALANG pagsisising mababakas kay Winwyn Marquez nang magdesisyon siyanghotshots hindi na sumali sa Bb.Pilipinas ngayong taon. Kung sumali siya ay wala sana siyang project na ginagawa ngayon sa GMA 7.

“Sabi  ko nga, siguro kung hindi naman smooth ang pagpasok ko sa Bi­nibini, siguro, it`s  not meant to be talaga. Happy naman ako na kahit hindi ako nakasali sa Binibini, eh, binigyan ako ng show ng GMA na talagang heavy drama.

“Tapos binigyan pa ako ng isang lifestyle show na hosting naman sa News TV,” pahayag ni Winwyn.

Sa June magsisimula ang bago niyang show na tinawag na Glow-Up  kaya masayang-masaya raw siya talaga.

“Sabi nga nila, pag may nawala na isa, may ibibigay naman na mas maganda. For me, ito na yun,” aniya.

Lovelife?  Mas happy raw siya ngayon na single. Mas nabibigyan niya raw nang tamang oras ang mga project na natatanggap.

Basta right now ay hindi pa raw siya handang makipagrelasyon muli. Tinatamasa pa raw niya ang sarap ng pagiging single at sana raw kung dumating ang araw na muli siyang magmamahal ay ‘yun na raw sana.

Kahit hiwalay na

PAGKIKITA NINA KIM CHIU AT GERALD MAY KILIG PA RIN SA FANS

PINAG-UUSAPAN pa rin ang pagkikita nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa gerald and kim chiuprogramang It`s Showtime kamakailan. Kinilig ang kanilang fans na kahit hiwalay na sila ay nandoon pa rin ang pagmamahal ng kanilang fans.

Nang mag-guest nga si Gerald sa show ni Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda sa ABS-CBN ay tinanong siya kung totoong sinundan niya si Kim sa backstage nang araw na ‘yun matapos ang segment.

“Oh yeah, sinundan ko siya,” sagot ni Gerald kay Kuya Boy. “Just to greet her a belated happy birthday. May small talk na konti and we were talking about ‘yung nangyari sa stage.” (kung saan ay kinantiyawan sila ng host ng programa)

Tinanong ni Kuya Boy si Gerald kung ano ang reaksyon niya pag inaasar pa rin silang dalawa ni Kim.

“Nakatatawa lang, nakatutuwa lang. Kasi siyempre, wala ako dito ngayon if not  for her. To have that kind of dynamics pa rin, parang you know, it`s nice,” say ni Gerald.

At siyempre naitanong din kay Gerald ang current relationship nila  ngayon ni Bea Alonzo.Tulad ng kung bakit hindi raw niya sinamahan ang girlfriend sa US noong Holy Week.

“There`s  reason, trabaho, shooting, we`re finishing the shoot,” aniya.

Tinanong din ang actor kung bakit hindi siya madalas mag-post ng larawan nila ni Bea samantalang ang actress ay panay ang post.

“I`ve  said kung anuman ang meron kami, it`s something na parang…we had so many moments together pero hindi ko naman kailangang i-share lahat ‘yun,” paliwanag ni Gerald.

Comments are closed.