NAPAKAGANDANG magbuntis ni Winwyn Marquez. Kahit walong buwan na siyang buntis at ilang linggo na lamang ay manganganak na, ang ganda-ganda pa rin niya. Sabi ng matatanda, ganoon daw talaga kapag babae ang ipinagbubuntis.
Ipinagmamalaki naman ng actress-beauty queen ang lumalaki niyang tiyan. Feeling daw niya, kumpleto na ang kanyang pagkababae, lalo pa kung sumisipa ang kanyang anak.
“Growing a little person in your belly is the most magical thing,” ani Wynwyn. Isa raw itong “celebration of life, femininity and motherhood.” Ito umano ang pinakamagandang paraan upang ipaalam sa lahat na babae siya.
“To bear a child is like having another precious jewel to her crown,” dagdag pa niya.
Inanunsyo niya noong New Year na babae ang kanyang isisilang pero hindi pa rin niya sinabi kung sino ang nakabuntis sa kanya. Excited namang maging lola at lolo sina Alma Moreno at Joey Marquez. KAYE NEBRE MARTIN