MARAMING nagulat sa latest post ni Winwyn Marquez sa kanyang social media account, kung saan naka-swimsuit siya at naglagay pa ng caption na ‘aiming for something this year and it’s not what you’re thinking’.
Marami tuloy na nagkomento na malamang hindi ang pagpapa-sexy o pagiging daring sa kanyang image sa showbiz ang puntirya ni Winwyn kundi ang sumabak sa kauna-unahang Miss Philippines Universe ngayong taon. Kung matatandaan last year ay nagtapos na ang kontrata ng Miss Universe sa Binibining Pilipinas.
Tsikang kaya raw hindi tinanggap ng isang teleserye si Winwyn sa kanyang mother network, bagkus isang mini-series sa Dos ang kanyang ginawa, plus ang kanyang weekly lifestyle show na Glow Up sa GMANewsTV lang.
Ang pinagkakaabalahan ni Winwyn ay ang gusto niyang tumutok sa kanyang pagsasanay para lumahok sa Miss Philippines Universe na kung saan ang mananalong kandidata at siyang kakatawan sa ating bansa para sa Miss Universe 2020.
Kung mapagtatagumpayan ni Winwyn ang korona, siya bale ang magiging first Miss Philippines Universe, tulad nang pagkapanalo niya bilang kauna-unahang Asian candidate na nakoronahan ng titulong Reina HispanoAmericana last 2017.
JASON ABALOS INIREKLAMO ANG SMOKE BELCHER
HINDI pinalampas ng Kapuso actor na si Jason Abalos ang isang insidente ng isang pampasaherong bus na sobrang magbuga ng maitim na usok mula sa tambutso nito. Isang maliwanag na paglabag sa anti-smoke belching campaign ng pamahalaan.
Gamit ang kanyang social media account ay nag-shout out si Jason sa pamunuan ng naturang passenger bus. At hindi naman nagtagal ay tinugon ng may-ari ng bus ang reklamo ni Jason. Naging masaya si Jason sa naging aksyon ng pamunuan ng bus.
Masaya ang Kapuso leading man na si Jason Abalos sa ginawang mabilisang aksyon ng isang bus company matapos niyang ireklamo ang unit nito na nagbubuga ng maitim na usok. Ayon umano sa pamunuan ng bus, nagpasalamat sila at ipinaalam ng aktor ang problema.
Bilang aksyon ay hindi na raw nila pinabiyahe ang bus unit at dadalhin ito sa talyer para itama ang emission level.
Sa ngayon ay bisi-bisihan na si Jason sa bago niyang teleserye sa Siyete kung saan ay si Sanya Lopez ang kanyang leading lady. Katatapos lang lumabas ni Jason sa Anak ni Waray VS Anak ni Biday, kung saan ay meron siyang guest role.
Comments are closed.