SA ‘pananahimik’ ng reigning Reina HispanoAmerica 2017 na si Wynwin Marquez sa kanyang showbiz career ay may namba-bash kay Winwyn na nagsasabing ‘malas’ daw ang kanyang beauty queen title, at wala naman daw itong nagawa para sa kanya. Hindi man pumapatol sa bashers ay hindi pinalagpas ni Wynwin ang negative comment na ito sa kanya.
Ayon kay Wynwin, pagdating sa kanyang showbiz career ay kapipirma lang niya ng exclusive contract sa Kapuso Network at plantsado na rin ang gagawin niyang teleserye for primetime sa GMA7, tinatapos lang ni Wyn ang kanyang kontrata bilang reigning queen at magpo-focus na sa kanyang showbiz career, at may movie pang nakatakdang gawin si Wynwin sa Regal. Pagdating naman sa kanyang pagiging RHA, say ni Winwyn,
“To those fake “pageant fanatics” who keeps on bashing me and daming MEMA na hindi ako masyado nagta-travel and wala ginagawa well, BE UPDATED. If ang basehan ninyo e photoshoot and travel then okay. I’ve done that though not as much as others pero nagawa ko na po. My RHA crown helped me reach more people sa country natin and sobrang thankful ako doon and sobrang suwerte na may mga org na talagang nagre-reach out to partner with me. -@teresitassen”.
Pak!
LANI MISALUCHA NASABIK KAY REGINE VELASQUEZ
BALIK-Pinas ang byuti ni Lani Misalucha para sa isang offer na hinding-hindi matatanggihan ni Lani, ang pagiging isang judge ng upcoming talent search show ng GMA7 na “The Clash” kung saan si Regine Velasquez-Alcasid ang host at siya rin mismo ang nanguna sa pagkalap ng mga magiging ‘clashers’ ng kanyang bagong show sa Kapuso Network.
Ayon kay Lani, nang ialok sa kanya ng Kapuso Network na maging hurado sa show ni Regine, hindi na nagdalawang-isip pa si Lani, una ay sa kadahilan na dekada na rin naman ang nagdaan ng magsama sila ni Regine sa isang show at wish pa rin ito ni Lani na muling makasama ang kaibigan.
Kaya kahit nasa Amerika ay fly agad ang kanyang byuti sa Pinas para sa nalalapit na pagsisimula ng “The Clash”. Bukod dito sinabi rin ni Lani na malapit sa kanyang puso ang mga baguhan na nangangarap na maging isang singer.
KEN CHAN PINAHABA ANG PAPEL
SA presscon noon ng “The Cure” ay nasabi ni Ken Chan na special participation ang kanyang magiging papel sa naturang teleserye kung saan ay gaganap siyang bilang manliligaw ni Arra San Agustin. Pero nakakailang buwan na ang “The Cure” still mandoon pa rin ang karakter ni Ken.
Ang konsepto kasi ay ‘mamamatay’ ang karakter ni Ken, habang buntis pa si Arra pero naging mainit sa manonood ang dating ng loveteam nang dalawa, maraming natuwa sa tambalan ng dalawa at may chemistry. Ngayon ay inuulan ng request ng mga supporters ng loveteam nina Arra at Ken na pahabain pa ang kanilang mga roles at sana raw ay ‘wag tigukin ang karakter ni Ken.
Comments are closed.