WISE SPENDER NA SHOPAHOLIC

ni Eunice Calma- Celario

THERAPY, pampawala ng pagod at pampakalma ng kababaihan ang shopping spree subalit may iba’t ibang katangian ang mga shopaholic.

At hindi rin masasabi na mahusay lamang silang maglustay ng pera o magastos.

Dahil kung therapy na nila ang laging mamili o mag-add the cart, mayroon silang common denominator, ito ay ang pagiging mabusisi sa binibili at mahilig din sila sa sale at discount.

Hindi masasabing kuripot at maluho dahil hangad lamang nilang sundin ang kanilang gusto pero nais nila ng makukuhang discount sa mga item na kanilang binili.

Para maging legit wise spender na shopaholic, narito ang kanilang katangian:

  1. Laging nakaalerto sa sale at promos.
  2. Agad tinitingnan ang listahan ng mayroong freebies.
  3. Alerto sa mga vouchers at coupon.
  4. Kung gumagamit ng credit card, laging nakamonitor sa points at maaaring bilhin nito.
  5. Kumuha ng membership card para sa points at freebies
  6. Bultuhan kung bumili para makatipid.
  7. Kung bibili ng gadget at appliances, gumagamit ng credit card, zero interest at installment payment na tiyak may kasamang freebies at points.

Masaya talaga ang pamimili lalo na’t nadaragdagan ang points, may buy one take one at  kung ano-ano pang promos.

Para sa mga shopaholic, hindi lang paglulustay ang alam nila, kundi matinik din sila para maka-discount gayundin sa kalidad ng produkto.