LAGUNA – Nagpakamatay o pinatay? Ito ang nananatili umanong palaisipan sa maraming residente sa Barangay Tala, bayan ng Rizal matapos madiskubre ang labi ng dating driver bodyguard ng pinaslang na piloto na si Jeffrey Palce, kahapon ng ng madaling araw.
Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, nakilala ang biktimang si Retired PNP Vicentito Isles y Visey, binata, residente ng nasabing lugar.
Bandang alas-12:30 ng madaling araw nang hinihinalang maganap ang naturang pagpapakamatay umano habang aktong nag-iisa sa kanyang tirahan ang biktima.
Isa sa kapitbahay at malapit umanong kaibigan ng biktima na si Manrico De Leon Sombilla ang nagbigay ng kanyang pahayag na nakarinig siya ng unang putok ng baril sa lugar at nasundan pa ito ng dalawa pang putok makalipas ang limang minuto.
Dahil aniya sa takot, hindi nito nagawa pang magtungo sa lugar kung saan hindi inaasahang wala nang buhay ng matagpuan umano ito ng kanyang kapatid sa harap mismo ng kanyang tirahan habang nakadapa ito sa palayan.
May tama umano ito ng bala sa kanyang batok, leeg at dibdib mula sa hindi pa mabatid na kalibre na baril.
Sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, lumilitaw na isa umanong suicide note ang natagpuan ng mga ito sa loob ng bahay habang may nakasulat na “PAGOD NA AKO SUKO NA AKO BY TITO”.
Matatatandaang kasama ni Palce ang biktimang si Isles ng maganap ang pananambang sa lungsod ng San Pablo noong nakaraang ika-6 ng buwan ng Hulyo kung saan mapalad itong nakaligtas.
Dahil dito, tumayo itong isa sa saksi sa naganap na insidente habang patuloy ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.
Kaugnay nito, ayaw pa aniyang magbigay ng kanyang pahayag ang pamilya ng biktima habang isinasagawa ang pagsisiyasat sa insidente. DICK GARAY
Numerous thanks for a fascinating website internet site. What else may possibly I get that sort of data composed in this kind of a fantastic method? I have an enterprise that I am just now running on, Which i are already on the lookout for These types of info. pg betflik
903553 751762Hello! Nice post! Please do maintain us posted when we can see a follow up! 688924
758838 800783A lot of thanks for the wonderful post C Id fun reading it! That i really like this weblog. 236881