NA-OUTSCORE ng Washington Wizards ang Phoenix Suns, 25-12, sa huling 5 1/2 minuto at pinutol ang 10-game losing streak sa 113-110 panalo kontra host Phoenix Suns noong Martes.
Nakakuha ang Washington ng 29 points mula kay Kyle Kuzma at 27 points kay Bradley Beal, at nagdagdag sila ng tig-6 rebounds at 6 assists. Kinuha ng Suns ang 98-88 kalamangan sa kalagitnaan ng fourth quarter sa pares ng free throws ni Deandre Ayton, ang huli sa kanyang 30 points. Pagkatapos ay umiskor lamang ang Phoenix ng dalawang puntos sa sumunod na 5:17 habang kumamada ang Washington ng 21 points.
Naitarak ng Wizards — hindi nanalo magmula noong Nov. 28 — ang nine-point lead, may 22.2 segundo ang nalalabi, sanhi ng 21-2 outburst. Tinapyas ng Suns ang deficit sa tatlo nang gumawa ang Landry Shamet ng magkasunod na 3-pointers.
Nuggets 105, Grizzlies 91
Tumipa si Aaron Gordon ng 24 points, nagsalansan si Nikola Jokic ng 13 points, 13 rebounds at 13 assists, at pinataob ng host Denver ang Memphis.
Umiskor si Bruce Brown ng 16 points, nag-ambag si Christian Braun ng 13 points at nagdagdag sina Bones Hyland at Kentavious Caldwell-Pope ng tig-12 para sa Denver, na nanalo sa ika-5 pagkakataon sa anim na laro.
Naglaro ang Nuggets na wala si guard Jamal Murray, na may soreness sa kanyang surgically repaired left knee. Bumuslo si Murray ng 2-for-11 sa panalo kontra Charlotte Hornets noong Linggo habang dinaranas ang knee ailment.
Sa iba pang laro, pinalamig ng Bulls ang Heat, 113-103; namayani ang Jazz sa Pistons, 126-111; at tinambakan ng Knicks ang Warriors, 132-94.