NAGBUHOS si Bradley Beal ng 25 points nang durugin ng Washington Wizards ang bisitang Indiana Pacers,142-115, sa final Eastern Conference play-in contest noong Huwebes upang umusad sa playoffs.
Nagdagdag si Russell Westbrook ng 18 points, 15 assists at 8 rebounds para sa Washington na kinuha ang No. 8 seed at ang kanilang unang postseason berth magmula noong 2017-18 season.
Makakasagupa ng Wizards ang top-seeded 76ers sa first round, simula sa Linggo sa Philadelphia.
Sa pagkatalo ay nasibak ang Pacers at naputol ang streak ng franchise na limang sunod na playoff appearances.
Umiskor si Malcolm Brogdon ng 24 points at nagtala si Domantas Sabonis ng 19 points, 11 rebounds at 10 assists bago na-foul out para sa Indiana.
Kumana si Beal ng apat na 3-pointers at kumalawit din ng 5 rebounds at nagbigay ng 4 assists sa 28 minutong paglalaro. Inilabas siya sa final 15-plus minutes ng lopsided contest upang ipahinga ang kanyang strained left hamstring.
Tumipa si Washington’s Rui Hachimura ng 18 points, at nagdagdag sina Daniel Gafford ng 15 points, 13 rebounds at 5 blocked shots, Raul Neto ng 14 points. at Anthony Gill ng 10 points.
Ang Wizards ay 3-0 sa regular season kontra Pacers at may average na139.7 points.
Bumuslo ang Washington ng 58.1 percent mula sa field, kabilang ang 14 of 28 mula sa 3-point range. Tangan ng Wizards ang 52-40 rebounding edge.
Nagdagdag sina Doug McDermott at Kelan Martin ng tig-13 points para sa Pacers, na bumuslo ng 41 percent mula sa field at 15 of 41 (36.6 percent) mula sa 3-point range. Hindi ulit naglaro si Caris LeVert dahil sa health at safety protocols.
989709 380085Thank you for your extremely excellent details and feedback from you. car dealers in san jose 270059
898444 650210But one more intelligent weblog! Completely cannot wait for a great deal a lot more! 248172