‘WOMEN IN THE WORLD OF SPORTS’ TAMPOK SA NSS

Karen Tanchanco-Caballero

TATAMPUKAN ni Pilipinas Sepak takraw Federation Inc. President Karen Tanchanco-Caballero ang ‘Women in the World of Sports’ sa 17th session ng National Sports Summit (NSS) 2021 sa Miyerkoles.

Magbibigay si Caballero, na siya ring Deputy Secretary-General ng Philippine Olympic Committee (POC) at first woman Vice President ng Asian Sepaktakraw Federation (ASTAF) at International Sepaktakraw Federation (ISTAF), ng overview sa aktibong papel ng mga kababaihan sa  sports sa kasalukuyan.

Tatalakayin din niya ang  ‘dynamic’ ng paghawak ng mahahalagang papel bilang isang sports leader at ang pagsusulong ng adbokasiya ng “gender and development and sports and athlete’s management and programs”.

Binigyang-diin ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez ang kahalagahan ng pag-explore ng gender equality sa sports conference.

“Women have long played the same, and often primary tasks in furthering the country’s sports excellence. It is a privilege for us to have one of the most esteemed women sports leaders to speak of this in our national conference,” ani Ramirez.

Si Tanchanco-Caballero ay dati ring chairperson ng Women and Sports Committee ng Southeast Asian Games Federation at Chef de Mission ng Team Philippines para sa 2016 Asian Beach Games sa Da Nang, Vietnam. CLYDE MARIANO

Comments are closed.