WOMEN SPORTS CONGRESS

PSC-logo

MAGSISIMULA na sa kamakalawa ang Women Sports Congress na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) kung saan magsisilbing resource speaker si Switzerland-based Gabrielle Mueller.

Ituturo at ipaliliwanag ni Mueller, kilala sa mundo bilang trainer-coach, sa dalawang araw na congress ang lahat na aspeto para mapataas ang kaalaman at kalidad sa coaching/training ng mga Pinay sa palakasan para makasabay sa kanilang foreign counterparts sa ilalim ng Gender and Development Plans and Programs for 2018.

Ito ang unang pagkakataon na tutungo si Mueller sa Filipinas at umaasa si Commissioner at chairperson Dr. Celia Kiram na maraming matututuhan ang mga Pinay sa congress na dadaluhan ng may 200 participants mula sa  iba’t ibang panig sa bansa.

“PSC initiated this laudable project ostensibly to keep them aware and abreast with the current trend and broaden their knowledge in sports,” sabi ni Com. Kiram.

Ang mga kalahok ay kinabibilangan ng provincial governors, city mayors, sports directors ng state colleges and universities, female presidents at secretary generals ng iba’t ibang national sports associations, sports leaders ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, at mga kinatawan  mula sa Philippine Commission on Women.  CLYDE MARIANO