WOMEN SPORTS CONGRESS TAGUMPAY

Philippine Sports Commission

NAGPAHAYAG ng kasiyahan ang lahat ng participants sa Women Sports Congress kung saan nagsilbing resource speaker si world- renowned  sports specialist Gabrielle Muellerna.

Ang congress na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez at pinangasiwaan ni Commissioner Dr. Celia Kiram ay nagkaloob ng malawak na kaalaman hinggil sa training/coaching.

Kasama sa mga nabiyayaan sina dating PSC Commissioner Guillian ‘Akiko’ Thompson-Guevara at Sydney Olympic Para Games at Asian Para Games bronze medalist Adeline Dumapong.

“Very productive ‘yung dalawang araw na Women Congress. I learned many things and it enriched my knowledge,” wika ni Dumapong.

“Hindi lang ako at si Com. Akiko ang nakinabang, lahat ng participants ay nabiyayaan sa comprehensive at malawak na turo ni Mueller,” sabi naman ni Asian Para Games-bound Dumapong.

Sinabi ni Com. Kiram na inanyayahan ng PSC si Mueller maging resource person ng congress dahil sa kanyang magandang credential bilang expert sa training at professional coaching.

“She (Mueller) is known worldwide on this aspect. That is the reason why PSC invited her  to conduct this activity for the first time in the Philippines to develop and enrich the knowledge of our trainers and coaches,” ani Kiram.

Mas marami sana, aniya, ang du­malo sa congress na isinagawa sa Century Hotel kung hindi masama ang pa­nahon dulot ng bagyong Domeng.

“Some of the participants from Visayas and Mindanao failed to come because of inclement weather. It’s beyond our control,” dagdag ni Kiram.

Ang Women Congress ay isinagawa sa ilalim ng Gender and Development Plans and Programs for 2018.

Kabilang sa mga lumahok sa congress ang provincial governors, city mayors, sports directors ng state colleges and universities, female presidents at secretary generals ng iba’t ibang national sports associa-tions, sports leaders ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, at mga kinatawan mula sa Philippine Commission on Women.          CLYDE MARIANO

Comments are closed.