WOMEN’S 3X3 BASKETBALL IKINAKASA

Willie Marcial

TUTULONG ang PBA sa pagsusulong ng women’s basketball sa bansa.

Ibinunyag  ni Commissioner Willie Marcial ang planong magdaos din ng regular 3×3 tournament para sa women’s sa sandaling opisyal na ilunsad ng PBA ang 3×3 tournament.

Ayon kay Marcial, ang pagsama sa women’s basketball sa regular league calendar ay isa sa kanyang pet programs nang umupo siya bilang commissioner noong 2018.

“Unang pasok ko sa PBA ‘yun talaga ang gusto ko, magkaroon ng mga babae na makakapag-basketbal kahit sa 3×3,” ani Marcial.

Ang proyekto ay nasa pipeline na kung saan nakatakdang ilunsad ng liga ang inaugural men’s 3×3 meet ngayong season hanggang sa humupa ang COVID-19 pandemic.

Sa susunod na taon kapag bumuti na ang sitwasyon, ang stand alone three-a-side competition ay aarangkada na sa pangunguna ni committee chairman Richard Bachmann, ang governor ng Alaska.

Kasunod nito ay ang women’s side.

“Natigil lang nang kaunti. Pero ‘yun pa rin ang gusto kong mangyari na papa-approve ko sa PBA Board,” sabi ni Marcial.

Ang proposal ay nakakuha ng initial endorsement mula kay Board chairman Ricky Vargas, na inalalang muli ang pag-isponsor ng PBA sa isang 3×3 meet sa  women players sa panahon ni dating commissioner Chito Narvasa.

“Maganda ‘yan. Personally I agree with that. We should bring in 3×3 women,” wika ni Vargas.

“There was a time na nagkaroon tayo ng women’s basketball. It was on a trial basis, pero ok ‘yan.”

Comments are closed.