MATAPOS na mapagtagumpay na maidepensa ang korona sa katatapos na 30th Southeast Asian Games, nakatutok ngayon si Philippine Amateur Baseball Association (PABA) president Joaquin Loyzaga sa women’s baseball sa layuning mapalawak ito sa bansa.
“Right now, we iron out minor kinks. We will start the project once we finalize it to perfection,” sabi ni Loyzaga.
“Sa women’s baseball nakasentro ang aking progama. Gusto kong mapalaganap ang women’s baseball sa Pinas at makisabay sa mga bansa na may baseball programs,” wika ni Loyzaga.
Aniya, ang tanging dahilan at inorganisa niya ang women’s baseball ay para mahikayat ang mga babaeng mahihilig sa baseball na maglaro at magkaroon ng pagkakataon na katawanin ang Pinas sa international competitions.
“Marami mga babaeng mahilig sa baseball. Sa pamamagitan nito ay mahihikayat natin sila na maglaro ng baseball.”
Sinabi pa ni Loyzaga na kakausapin niya si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez na suportahan ang kanyang baseball programs na nasa cluster ni Commissioner Charles Raymond Maxey.
“One of these days I will talk to Chairman Ramirez and ask him to support women’s baseball. He loves baseball and was a former athletic director like me,” sabi ni Loyzaga, kasalukuyang athletic director ng National University.
Sinabi pa niya na magsasagawa siya ng training camp sa women’s at men’s teams para mapaunlad ang baseball sa bansa at makasabay sa Japan, Korea, Chinese Taipei, China at iba pang mga bansa na popular ang baseball, kasama ang Australia at New Zealand. CLYDE MARIANO
Comments are closed.