WOMEN’S FOOTBALL TEAM TATANGGAP NG CASH INCENTIVES SA PSC

William Ramirez

SINAMAHAN ng women’s football athletes ang mga empleyado ng Philippine Sports Commission (PSC) nang bumisita sila para sa isang courtesy call kay PSC Chairman William ‘Butch’  Ramirez nitong Lunes.

Si Ramirez ay sinamahan nina PSC Commissioners Celia Kiram at Arnold Agustin.

“We recognize the outstanding performance of our women’s football team and their historic accomplishment,” wika ni Ramirez, na pinapurihan ang mga atleta na dumalo sa unang physical flag-raising ceremony ng ahensiya sa Rizal Memorial Sports Complex.

Sina lady footballers Chandler at Olivia McDaniel, Camille Rodriguez, Anicka and Sara Castañeda, Hali Long, at Inna Palacios ay dumalo sa flag-raising kasama si Philippine Football Federation (PFF) President Mariano ‘Nonong’ Araneta Jr.

“This is one of the pinnacles of our experience. We couldn’t have done it without the PSC’s support and all of you behind the scenes. You are all part of this achievement,” sabi ni Long, na nagsilbing co-captain ng koponan sa torneo.

Pinuri rin ni Ramirez ang liderato ng PFF, ang mga opisyal nito, at si Australian Coach Alen Stajcic, sa pagtiyak na gagawin ng bawat atleta ang lahat sa world stage.

“The PSC has been very supportive of all our elite athletes and the campaign of the women’s football team,” sagot naman ni Araneta.

Tinanggap ng sports agency ang official endorsement ng pagkakaloob ng cash incentives mula sa PFF noong nakaraang linggo, at inendorso na ito para sa pag-apruba ng PSC Board.

Ang insentibo ng Philippine Women’s Football Team ay kasunod ng kanilang historic run makaraang umabot sa semifinals ng 2022 AFC Women’s Asian Cup at magkuwalipika sa 2023 FIFA Women’s World Cup.

Sinimulan ng national lady booters ang kanilang kampanya sa AFC sa pamamagitan ng makasaysayang panalo kontra Thailand sa loob ng 17 taon. 1-NL. Matikas na nakihamok ang Malditas laban sa Chinese Taipei at nanalo sa penalty kicks, 4-3, sa quarterfinals. CLYDE MARIANO