WONDERFUL BENEFITS NG SAGING

BANANA

KUNG mayroon mang isang pagkain o prutas na kayda­ling hanapin, iyan ang saging. Avail-able ito sa kahit saan. Mabibili mo ito sa mga supermarket, tindahan sa tabi-tabi at kung minsan pa ay inilalako rin ito. Kayang-kaya lang din ito sa bulsa. Iba’t ibang klase rin ng saging ang puwedeng pagpilian.

Hindi basta-basta ang saging sapagkat napaka­rami nitong benepisyo gaya na lang ng mga sumusunod:

MATAAS ANG TAGLAY NA FIBER

Isa ang saging sa nagtataglay ng soluble at insoluble fiber. Ang soluble fiber na makukuha sa nasabing prutas ay nakapagbib-igay ng pakiramdam na busog. Dahil dito, naiiwasan nito ang pagkain ng sobra. Kaya mainam ang saging na kahiligan sa umaga pa lang. Maganda rin ito sa digestion at metabolism.

MAINAM SA HEART HEALTH

Bakit pa nga naman tayo maghahanap pa ng mahal kung mayroon namang murang paraan para maalagaan ang kalusugan ng ating puso. Ang mga high fiber food ay sinasabing mainam sa puso. At ang pagkain ng mga pagkaing ito gaya ng saging ay nakatu-tulong upang maiwasan ang ilang sakit sa puso.

NAGTATAGLAY NG VITAMINS AT MINERALS

Isa rin ang saging sa matatawag na powerhouse of nutrients dahil sa taglay nitong vitamins at minerals.  Potassium ang isa sa kilalang-kilalang nutrients na mayroon ang saging. Pero bukod sa potassium, nagtataglay rin ito ng calcium, manganese, magnesium, iron, folate, niacin, riboflavin, at B6 na tumutulong upang mapaganda ang pag-function ng katawan at mapanatili itong healthy.

Ang potassium din na taglay ng naturang prutas ay mainam para sa pagre-regulate ng heartbeat at blood poressure. Nakatutulong din ito upang maging alerto ang utak.

Sa mga nagsa-suffer naman sa anemia, swak din ang saging dahil sa mataas na taglay nitong iron.

BANANA BREAD MUFFINS

Hindi mo rin naman kailangang pagsawaan ang saging dahil maraming lutuin ang puwede nating subukan. Gaya na lang ng Banana Bread Muffins.

At sa mga gustong magluto ng Banana Bread Muffins, ang mga sangkap na kakailanganin ay ang all-purpose flour, baking powder, baking soda, asin, tatlong pirasong mashed banana, white sugar, itlog, vanilla extract at tinunaw na butter.

PARAAN NG PAGGAWA:

Ihanda ang lahat ng mga kakailanganing sangkap. Pagkatapos ay pagsamahin ang asukal, all-purpose flour, baking powder, baking soda, itlog, vanilla extract at tinunaw na butter saka haluing mabuti.

Kapag nahalo nang mabuti, painitin na ang oven sa 350 degrees F. Habang pinaiinit ang oven, lagyan naman ng muffin cup ang muffin molder saka ilagay ang mixture. Lutuin sa loob ng 10-15 minuto o hanggang sa maluto ang muffin.

Ang dami ng sangkap na gagamitin ay depende sa rami ng gustong lutuin. CT SARIGUMBA

 

Comments are closed.