Jayzl Villafania Nebre
Okay. So mahilig sa paggawa ng maliliit at magagandang bagay tulad ng keychain. Alam mo bang pwede mong pagkakitaan yan?
Yes, maliit na negosyo lamang ito, pero wala amang pagkalugi dahil hindi bumababa ang presyo nito, hindi rin nabubulok, hindi naluluma, at palaging may turistang naghahanap – lalo pa kung mura lang ang bentahan mo.
Isang maliit na pwesto lang ang kailangan mo sa lugar kung saan maraming taong dumaraan para makita nila kung ano ang ibinibeta mo. Nitong nagdaang linggo, nang mamasyal kami sa subic, nabigla ako sa presyo ng karaniwang keychain na nabibili lamang sa baguio ng 11 for P100, dahil sa kanila, 3 for P100 ang pinakamura.
Walang gaanong puhunan sa paggawa ng wooden keychain. Scrap wood lang na kadalasang itinatapon ng mga karpentero, konting barnis, brush at pintura, depende kung ano ang design. Minsan nga, pangalan lang ang inilalagay kaya black ink lang ang kulay na lalagyan ng konting barnis.
Maganda rin itong giveaway sa debut, kasalan, reunion at iba pa. Mura na, Maganda pa. Kung puhunan ang usapan, makasasapat na ang P500, at tubong nilugaw ka na. Hindi mo kailangan ang special education o training dito. Ang kailangan mo lang ay konting sipag at tiyaga.